
Puspusan sa paghahanda ang ilang Sunday PinaSaya cast members para sa kanilang 4th anniversary celebration, ang Puso ng Saya Day, na magsisimula ngayong August 4.
Kuwento ni Andre Paras, “So far masaya naman, lahat kami ng cast ng Sunday PinaSaya mayroong ganun and meron din kaming pasabog, magkakaroon kami ng live band.
"Para rin ma-feel ng lahat ng tao na talagang live kaming mag-perform and may band so it's a big production number. Honestly hindi namin alam anong mangyayari, but from all the talks ng mga director, staff, and writers mukhang exciting siya so dapat abangan siya."
Dagdag ni Kim Last, magkakaroon ng performance ang That's My Bae boys kasama sina Jon Timmons, Kenneth Medrano, at Miggy Tolentino.
“Magpe-perform kami ng mga That's My Bae, makikita ulit ng mga audience kasama si Jon, Kenneth, and Miggy.”
Para naman kay Kyline Alcantara, ang bonding moments nila ng cast backstage ang lagi niyang inaabangan tuwing rehearsals.
Aniya, “Behind-the-scenes and rehearsals na bonding talaga namin 'yung hindi ko makakalimutan kasi dun namin naki-create 'yung connection na napapanood ninyo every Sunday.”
WATCH: Viral blind rapper na si Kokey, ginawaran ng Puso ng Saya award ng 'Sunday Pinasaya'
WATCH: Kokey, the visually impaired rapper, performs with Julie Anne and Gloc 9 on 'Sunday Pinasaya'
'Sunday PinaSaya,' pinakilala si Pusong Gala, naghahanda para sa kanilang anniversary