GMA Logo Sunod movie in I Heart Movie Channel
What's on TV

'Sunod' starring Carmina Villarroel, tampok sa I Heart Movies ngayong linggo

By Marah Ruiz
Published August 21, 2023 10:00 AM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD to reach out to more street dwellers amid holidays
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas

Article Inside Page


Showbiz News

Sunod movie in I Heart Movie Channel


Kabilang ang 'Sunod,' starring Carmina Villaroel, sa mga pelikulang mapapanood sa I Heart Movies ngayong linggo.

There is something for everyone sa mga pelikulang inihanda ng digital channel na I Heart Movies ngayong linggo.

Para sa mga fans ng horror films, mapapanood this week ang Sunod na pinagbidahan ni Carmina Villarroel.

Kuwento ito ng single mother na si si Olivia na may bedridden na anak kaya mapipilitan siyang pumasok sa isang entry-level position sa call center.

Mahirap na nga ang trabaho dahil sa graveyard shifts pati na sa mga asal ng mga katrabaho niya, guguluhin pa ang kanyang isip ng mga 'di maipaliwanag na pangyayari sa kanilang opisina.

Abangan ang Sunod, August 23, 10:20 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Para naman sa mahilig sa romance drama films, nariyan ang Sana Dati na mula sa award-winning director na si Jerrold Tarrog.

Tampok dito si Lovi Poe bilang Andrea, babaeng nakatakdang ikasal sa isang mayamang politician-businessman.

EMBED SANA DATI POSTER

Habang ini-interview siya ng wedding videographer na si Dennis, karakter ni Paulo Avelino, maaalala ni Andrea ang bittersweet love story nila ng dating kasintahan.

Abangan ang Sana Dati sa August 25, 9:35 p.m sa Pinoy Movie Date.

Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.