What's on TV

Sunshine Cruz at Tuesday Vargas, bibisitahin ng namayapa na?

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 18, 2020 11:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Lalaking nagpanggap na customer, holdaper pala! | GMA News Feed
Gazini Ganados needs 100k votes for MGI All Stars
Pepito Manaloto: Tuloy ang Kuwento marks 16 years with a two-part anniversary special

Article Inside Page


Showbiz News



Panoorin ang Halloween special ng 'Dear Uge' sa darating na Linggo, October 30.

Sa panahong ang isang mahal sa buhay ay pumanaw, nagkikita at nagsasama muli ang pamilya para magdamayan sa kanilang pagluluksa. Pero, hindi ganito ang nangyari sa magkapatid na sina Rafa at Erra na gagampanan nina Sunshine Cruz at Tuesday Vargas.

Pumanaw si Kuya Doods, kaya naman umuwi mula Canada si Rafa para tulungang mag-asikaso ng burol at libing si Erra. Ang problema, dati pa ay ayaw na nila sa isa’t isa, at tanging si Kuya Doods lamang ang nakakapagpabati sa kanila.

Magawa kayang kalimutan nina Erra at Rafa ang kanilang alitan para sa kapayapaan ni Kuya Doods, o kailangang ang namayapa ang bumisita sa kanila?

Huwag palampasin ang Halloween special ng Dear Uge ngayong Linggo, October 30, pagkatapos ng Sunday PinaSaya