GMA Logo Sunshine Cruz
SOURCE: sunshinecruz718/(IG)
Celebrity Life

Sunshine Cruz, balak nga bang pasukin ang mundo ng vlogging?

By Hazel Jane Cruz
Published May 2, 2024 3:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD to reach out to more street dwellers amid holidays
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas

Article Inside Page


Showbiz News

Sunshine Cruz


'I want to focus on my kids,' sagot ni Sunshine nang tanungin tungkol sa pagpasok sa vlogging

Ibinahagi ng celebrity mom na si Sunshine Cruz ang kaniyang mga plano bilang artista at magulang ngayong 2024 sa isang panayam mula sa kaniyang latest brand endorsement nitong April 30, 2024.

Dito ay isinaad niya ang kaniyang pananaw ukol sa pagpasok sa mundo ng vlogging at YouTube.

“Hindi pa,” ani Sunshine tungkol sa kaniyang posibleng vlogging career, “A lot of people are requesting [for my] vlogs and magkaroon na raw ako ng YouTube [channel] sana with my kids, but for now, I want to keep [life] muna nang mas private.”

Sinabi rin ni Shine na gusto muna niyang mag-focus sa kaniyang personal life. Huli siyang napanood sa kauna-unahang teleserye collaboration sa pagitan ng GMA Network at ABS-CBN na Unbreak My Heart. Kasama niya rito sina Jodi Sta. Maria, Joshua Garcia, at mga Kapuso artists na sina Gabbi Garcia, at Richard Yap.

Aniya, “Ngayon [ay] gusto ko munang mag-focus [sa family] kasi 'yung mga anak ko [ay] very busy rin with their studies and they need guidance ngayon kasi mga malalaki na, so I want to focus more on my kids muna.”

Ibinahagi rin niya na nais din muna niyang mag-focus sa mga brand endorsements at isinaad na “personal choice” ang mga ito.

Ngunit sa kabila ng pansamantalang pamamahinga sa showbiz, masayang ibinahagi ni Sunshine ang kaniyang contentment sa personal na karera ngayon, “My life is very happy. I'm contented; I have endorsements. God is good. Napakabihira sa edad ko na 46 [at] turning 47 ang pinagkakatiwalaan pa rin ng mga malalaking brands. So, that alone, I'm very blessed. Of course, I have three intelligent and beautiful kids, so wala na, wala naman na akong mahihiling pa.”

Makakaasa naman ang mga fan na babalik si Sunshine sa harap ng kamera sa takdang panahon pagkatapos ng kaniyang much-needed rest mula sa spotlight.

“I just want to rest kasi since 2013, I've been working [on] overlapping projects, so I think, this time, mas magandang mag-focus muna ako sa mga bata [because] I have to guide them. Also, of course, self-love muna,” sabi ni Sunshine.

SAMANTALA, TINGNAN ANG PRETTIEST PHOTOS NI SUNSHINE CRUZ SA GALLERY SA IABABA: