
Maraming netizens ngayon ang nagtanong kung engaged na nga ba ang aktres ni Sunshine Cruz sa half brother ni Ara Mina na si Macky Mathay.
Ito ay matapos mag-post ni Macky ng larawan nilang dalawa kung saan na-highlight ang suot na singsing ni Sunshine at may caption na "Almost 24!!!"
Kabilang na sa mga nagtanong ay ang pinsan ni Sunshine, ang singer-actress na si Geneva Cruz.
Sinagot naman ito ni Sunshine na hindi pa nga sila engaged ni Macky. Aniya, "Guys, I'm not engaged po!"