
Ibinahagi ni Sunshine Cruz ang kaniyang pag-heal mula sa naging hiwalayan ng dating asawa na si Cesar Montano.
Sina Sunshine at Cesar ay ikinasal noong September 2000. Taong 2013, nag-file si Sunshine ng petition for annulment. Napabalitang na-grant ang annulment sa kasal nina Sunshine at Cesar noong September 2018.
Sa interview ni Karen Davila kay Sunshine ay ikinuwento niya ang kuwento ng pag-heal at pag-move on mula sa hiwalayan.
Kuwento ng Unbreak My Heart star, inaamin niyang mahirap ang kanilang hinarap sa hiwalayan.
"It was hard kasi pride e 'yung nangibabaw sa amin that time ni Cesar. Kailangan masaktan namin 'yung isa't isa. Mapahirapan namin 'yung isa't isa so 'yun 'yung mas nangibabaw sa amin.
Dugtong pa ng aktres, "I wanted my freedom, he wanted the kids back, I wanted the kids for myself so ang hirap-hirap talaga that time."
Sina Sunshine at Cesar ay may tatlong anak na babae na sina Angelina, Sam, at Chesca.
PHOTO SOURCE: @sunshinecruz718
Binalikan ni Sunshine ang panahon na nagka-COVID-19 si Cesar. Ani Sunshine, "Noong na-COVID si Cesar, almost na-intubate 'yun e. After that, I don't know siguro darating sa ganoon naging closer sila to him. And everytime they go out, lalabas magdi-dinner, nakikita ko gaano kasaya mga anak ko everytime na kasama nila tatay nila."
Paglilinaw ni Sunshine, willing siyang maging civil para sa ikabubuti ng mga anak.
"Ako naman kahit naman before willing naman ako e. Pwede naman kahit maging civil muna tayo for the kids kasi mahal naman ng mga anak ko si Cesar talaga. Never ko tinuruan ang mga anak ko na magalit sa tatay nila."
Sa ngayon ay masasabi raw ni Sunshine na nag-heal na siya mula sa kanilang pinagdaanan ni Cesar na hiwalayan.
"Lahat ng pain, lahat ng sugat, kahit nga ang sugat e, naghi-heal 'yan. 'Yun 'yung dumating sa akin. Nakita ko lalo na 'yung mga bata 'pag kasama nila 'yung tatay nila they're very happy so bakit ko ipagkakait 'yun sa mga bata."
Saad pa ni Sunshine, "Eventually, you wake up one day that you're healed."
SAMANTALA, NARITO ANG ILANG CELEBRITY COUPLES NA NAUWI SA HIWALAYAN: