GMA Logo Sunshine Cruz and Ina Raymundo with their kids
sources: sunshinecruz718/IG, inaraymundo95/IG
What's on TV

Sunshine Cruz, Ina Raymundo, may payo sa kanilang mga anak tungkol sa mga manliligaw

By Kristian Eric Javier
Published October 27, 2024 10:16 AM PHT
Updated October 27, 2024 10:20 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
Bank robbers in Italy hold 25 people hostage
GMA Kapuso Foundation, namahagi ng tulong sa mga apektado ng mahal na langis sa Mt. Province sa ilalim ng Operation Bayanihan Project | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Sunshine Cruz and Ina Raymundo with their kids


Alamin ang payo nina Sunshine Cruz at Ina Raymundo sa kanilang mga anak na dalaga.

Bilang ina sa kani-kanilang mga dalaga, may mga paalala ang celebrity moms na sina Sunshine Cruz at Ina Raymundo sa kanilang mga anak tungkol sa mga manliligaw.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes ay napag-usapan ang tungkol sa kanilang mga anak na dalaga ng dalawang celebrity moms. Sina Erika, Mikaela at Anika ay mga anak ni Ina, habang sina Angelina, Angel, at Sam naman ay mga anak ni Sunshine.

Sabi ni Ina, “Dapat play hard to get. 'Yun talaga, palaging 'yun ang tinuturo ko sa kanila; play hard to get. Dapat 'wag mo ipakita sa kanila na dead na dead ka.”

Pagpapatuloy pa ng aktres, pakiramdam niya ay alam na ito ng mga anak niya dahil naikwento rin naman niya kung papaano siya noon sa ama nilang si Brian Poturnak.

“Kinukwento ko 'yung ginawa ko sa daddy nila so hindi ako hypocrite, alam nila na 'yun talaga 'yung style ko na you have to play hard to get,” sabi ni Ina.

Importante naman para kay Sunshine na makilala niya ang mga manliligaw ng kaniyang mga anak, at binilinan sila na 'wag makipagkita sa labas at sa halip sa bumisita na lang sa bahay nila.

“Kung may nanliligaw, papasukin mo dito sa bahay. Hindi naman para takutin ko, but of course, kung maganda ang intensyon sa inyo, pupunta sa bahay, dito kayo liligawan,” sabi niya.

Sabi pa ni Sunshine, kung talagang maganda ang intensyon ng mga manliligaw ng kaniyang mga anak ay hindi dapat sila magpatalo sa presensya niya.

“Ayoko ko kasi 'yung nakikipagkita sa labas, Tito Boy. Babae 'yung sa akin e,” paliwanag ng aktres.

BALIKAN ANG ILANG CELEBRITY MOMS NA PROUD SA KANILANG "BATTLE SCARS" SA GALLERY NA ITO: