GMA Logo sunshine cruz and ina raymundo
What's Hot

Sunshine Cruz, Ina Raymundo weigh in on open relationship

By Kristian Eric Javier
Published October 24, 2024 8:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ada continues to pose rain, wind threats over Luzon
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News

sunshine cruz and ina raymundo


Ano kayang masasabi nina Sunshine Cruz at Ina Raymundo tungkol sa open relationship para sa couples? Alamin dito:

Pabor ang dalawa sa mga premyadong aktres na sina Sunshine Cruz at Ina Raymundo sa tinatawag na open relationship at sinabing hindi dapat husgahan ang mga taong nasa ganoong klase ng relasyon.

Ang isang open relationship ay ang pagpayag ng dalawang magkarelasyon na makipag-date pa rin sa iba.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, October 24, ay tinanong ng King of Talk na si Boy Abunda kung ano ang opinion nina Sunhine at Ina sa pagkakaroon ng open relationship.

Para kay Ina, malapit na ang 2025 kaya dapat ay bukas na ang mga tao sa ganitong modern na klase ng isang relasyon. Dagdag pa niya, hindi niya ija-judge ang sino man na nasa ganitong sitwasyon.

“You know what, 'yung ibang mas modern talaga na relationships, I will not judge them if they decide na mag-open sila because if that's how it will keep your marriage na matagal na tapos gusto niyo maka-experience ng something fun,” sabi ng aktres.

Ngunit paglilinaw ni Ina, bilang isang Kristiyano ay alam niyang hindi ito dapat ipinapayo, ngunit susuportahan pa rin niya ang mga couples na may ganitong relasyon.

BALIKAN ANG MGA KAPUSO COUPLE NA NAGSIMULA BILANG TALENTS NG GMA NETWORK SA GALLERY NA ITO:

Simpleng sagot naman ni Sunshine Cruz, “Whatever works.”

“Totoo naman 'yun nasa 2024 na tayo, whatever works. Basta walang tinatapakang tao at nagwo- work para sa inyo para magbigay ng spice sa relationship, then [go],” sabi ng aktres.

Nang tanungin naman sila ni Boy kung gagawin ba nila ito, ang sagot ni Ina, “Probably.”

Pag-amin naman ni ni Sunshine, dahil selosa siya, alam niyang magiging mahirap para sa kaniya na pumasok sa isang open relationship. Gayunman, sabi ng aktres, “ayoko magsalita ng tapos pagdating diyan. Never say never, e.”