GMA Logo Gloria Sevilla and Sunshine Cruz
Courtesy: sunshinecruz718 (IG)
What's Hot

Sunshine Cruz, inalala ang veteran actress na si Gloria Sevilla

By EJ Chua
Published April 18, 2022 12:58 PM PHT
Updated April 18, 2022 1:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Saksi Express: January 2, 2026 [HD]
Negros Occ records over 260 road mishaps
2026: A guide to the Year of the Fire Horse

Article Inside Page


Showbiz News

Gloria Sevilla and Sunshine Cruz


Huling nagkasama sina Sunshine Cruz at Gloria Sevilla sa pelikulang 'Malamaya' noong 2019.

Kasunod ng nakalulungkot na balita tungkol sa pagpanaw ni Gloria Sevilla, ilang mga kasamahan niya sa entertainment industry ang nagbahagi ng ilang litrato at mga alaala na naiwan ng veteran actress.

Isa sa mga ito ay ang former Mano Po Legacy: The Family Fortune actress na si Sunshine Cruz na nakasama ni Gloria sa pelikulang Malamaya noong 2019.

Saad sa Instagram post ni Sunshine, “Grateful that I had the chance to work with you.

"My deepest sympathy to the children and entire family. May you Rest In Peace, Tita Gloria Sevilla.”

Isang post na ibinahagi ni Sunshine Cruz (@sunshinecruz718)

Pumanaw ang veteran actress sa edad na 90 nitong Sabado, April 16, habang natutulog sa bahay ng kanyang anak sa U.S.A.

Napanood ang veteran actress sa ilang kilalang local drama series at iba't ibang palabas sa telebisyon.

Matatandaang mas naging tanyag ang pangalan ni Gloria sa entertainment industry nang bansagan siya ng ilang manonood at kasama sa industriya bilang “Queen of Visayan Movies" dahil sa mga natatanging pagganap nito sa ilang hit Visayan films.

Samantala, balikan at alalahanin ang ilang nakagugulat na pagpanaw ng ilang celebrities sa gallery na ito:

https://www.gmanetwork.com/entertainment/celebritylife/news/8232/in-photos-celebrity-deaths-that-shocked-show-business/photo