
Naalarma si Sunshine Cruz nang makatanggap siya ng notification na may “suspicious activity” na nagaganap sa kanyang social media at G-mail accounts.
Ani ng aktres noong Lunes, August 31, “I can't log in now sa e-mail account ko. My password isn't working. [The] code is being sent to another cellphone number. Someone's trying to hack both my Facebook and Instagram.
“From Turkey ang hacker! Nakakaloka.”
Sa mga sumunod na posts, ibinahagi ni Sunshine na isang “Kerem Tanrikulu” ang nagha-hack sa kanyang e-mail.
Matapos ang halos walong oras, malugod na isinaad ng aktres na nag-wagi siya sa pag-secure ng kanyang account.
“Ang bilis ng kamay ni hacker,” kuwento ni Sunshine,
“Even if naka two-factor authentication ang Instagram ko, dahil alam niya ang cellphone number ko, paulit-ulit niyng ginamit ito. The code gets sent repeatedly sa akin asking for a security code.
“He also changed my e-mail address na kailangan ko rin ibalik sa dati. I immediately changed my cellphone number sa two-factor authentication and changed my e-mail address. And, I think I won the battle.”
Diin pa niya, “It is never right to steal someone's account!”
Maliban kay Sunshine, ang social media accounts nina Kris Bernal at Denise Laurel ay na-hack ng isang grupo mula sa bansang Turkey noong mga nakaraang buwan.