
Muling ipamamalas ni Sunshine Dizon ang kaniyang galing bilang aktres dahil mapapanood siya sa inaabangang action-adventure series ng GMA na Mga Lihim ni Urduja kung saan makakasama niya ang mga bida ng naturang serye at 'Jewels of Primetime' na sina Kylie Padilla, Gabbi Garcia at Sanya Lopez.
Sa Instagram, kinumpirma ng GMA ang pagbabalik-Kapuso ni Sunshine gamit ang mga behind-the-scenes photos mula sa set ng Mga Lihim ni Urduja kung saan makikita siyang kasama ang mahusay na direktor na si Dominic Zapata.
Samantala, para kay Sunshine, isang 'homecoming' ang pagbabalik niya sa telebisyon.
“Guess our smiles says it all! From TGIS to another homecoming. ♥️
"Thank you for today Nanay Mona, Direk Dom, Direk Aya and Dino,” aniya sa kaniyang post.
Sa comments section, ibinahagi naman ng kaniyang mga fans kung gaano sila kasaya para sa kanilang iniidolo.
“We can't wait to see you back on screen again!” sulat ni @mshine.sunshine.
“OMG. Our O.G Pirena, welcome back sa Kapuso Network. We miss you.” kumento ni @jaycee_manalac.
Panoorin ang teaser ng Mga Lihim ni Urduja:
TIGNAN ANG MGA BEHIND-THE-SCENES PHOTOS MULA SA SET NG UPCOMING MEGA SERIES NA MGA LIHIM NI URDUJA SA GALLERY NA ITO: