What's on TV

Sunshine Dizon, gaganap bilang pinagtaksilang asawa sa 'Tadhana'

By Bianca Geli
Published February 6, 2020 5:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sinulog Festival 2026: The GMA Regional TV Special Coverage
Barangay chairman, nephew killed in Cotabato shooting
'Heated Rivalry' star Hudson Williams makes runway debut at Milan Fashion Week

Article Inside Page


Showbiz News

Sunshine Dizon on Tadhana


Abangan ang love triangle nina Sunshine Dizon, Adrian Alandy, at Maricar de Mesa sa 'Tadhana.'

Ngayong 2020, ipinagdiriwang ng Tadhana ang ika-tatlong annibersaryo ng pagbabahagi ng mga istorya ng mga OFW (Overseas Filipino Workers) mula sa iba't ibang parte ng mundo.

Sa ika-tatlong taon ng Tadhana, bibigyang buhay na rin ng programa ang lahat ng storyang magbibigay inspirasyon sa lahat ng mga Kapuso mula sa lahat ng parte ng mundo.

Ngayong Pebrero, abangan sina Sunshine Dizon, Adrian Alandy, at Maricar de Mesa sa isang storya ng pagmamahalan, ahasan, at suwerte.

Hikahos man sa buhay, matibay ang samahan nina Bekang (Sunshine Dizon) at Nonie (Adrian Alandy), hanggang sa dumating sa buhay nila si Carla (Maricar de Mesa), na magiging amo nilang dalawa.

Magkakaroon ng lihim na pagsasama sina Nonie at Carla hanggang sa matuklasan na ito ni Bekang at mauwi sa hiwalayan ang kanilang pagsasama.

May darating naman na swerte sa buhay ni Bekang at magbabago sa isang iglap ang kaniyang buhay. Sa nakamit niyang swerte, mapabalik niya kaya ang kaniyang taksil na asawa?

Abangan sa #TadhanaMagkanoAngForever ngayong Sabado, 3:15 ng hapon sa GMA.

LOOK: Sanya Lopez's unique character for 'Tadhana'