GMA Logo Sunshine Dizon Gil Tesoro Klea Pineda Jeric Gonzales
What's on TV

Sunshine Dizon reflects on last shooting day of 'Magkaagaw'

By Cara Emmeline Garcia
Published December 21, 2020 2:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'A Knight of the Seven Kingdoms' final trailer sets fun tone for 'Game of Thrones' prequel
Over 200 passengers stranded at Cebu City port due to #WilmaPH
NAIA is opening more food halls at Terminal 3

Article Inside Page


Showbiz News

Sunshine Dizon Gil Tesoro Klea Pineda Jeric Gonzales


Nagbigay ng advice si Sunshine Dizon sa kanyang 'Magkaagaw' co-actors na sina Klea Pineda at Jeric Gonzales.

Opisyal na nag-sign off na si Sunshine Dizon sa kanyang karakter bilang Laura Santos sa hit GMA Afternoon Prime series na Magkaagaw sa official last day taping nito.

Kaya naman hindi napigilan ng acclaimed actress na pasalamatan ang ilang cast at crew na nagsilbing kanyang pamilya sa set sa naganap na lock-in taping kamakailan.

Una, pinasalamatan niya sina Klea Pineda at Patricia Tumulak na nagsilbing “Samgyup Girls” niya sa set.

Aniya, “'Di na ko magno-nobela dahil sa 24 days na magkasama tayo alam n'yo na ang nasa puso't isip ko. Salamat sa lahat ng tawa at kwento sa mga gabing na-homesick ako.

“Sana din ay kahit papaano may nakuha kayong baon mula sa akin 'di lang sa pag-arte, pero sa buhay at pakikipagkapwa tao. Mahal ko kayo.”

A post shared by 𝓜𝓲𝓼𝓼 𝓢𝓾𝓷𝓼𝓱𝓲𝓷𝓮 𝓓𝓲𝔃𝓸𝓷 (@m_sunshinedizon)

Nagbigay rin ng piece of advice ang aktres sa lead actors ng show na sina Klea Pineda at Jeric Gonzales.

“You two have grown as individuals since the very first day of our shoot,” bitiw ni Sunshine.

“I hope that after our lock-in taping experience, you two will become even better and stronger actors. I am happy to have shared the screen with you two. Thank you.”

A post shared by 𝓜𝓲𝓼𝓼 𝓢𝓾𝓷𝓼𝓱𝓲𝓷𝓮 𝓓𝓲𝔃𝓸𝓷 (@m_sunshinedizon)

Sa isang follow-up post, pinasalamatan din ni Sunshine si Direk Gil Tesoro, na nagsilbing direktor niya noong 13 years old pa lamang siya.

Wika ng aktres, “Maswerte ako o sadyang pinag-adya ng pagkakataon na sa unang lock-in ko ang Tatay Gil ang aking director. Hindi madali maraming bagay na hindi ko ginagawa mag laba, mag hugas, mag make-up ng sarili, mag buhat ng sarili mong gamit, na sasabayan pa ng lungkot dahil ngayon mo lang maiiwan ng ganun katagal ang iyong pamilya.

“Pero dahil si Tatay ang nandyan na babawasan ang agamagam kasi alam ko hindi nya ako papabayaan at aalalayan ako ng Tatay.

“Walang eksena masasayang kasi 13 years old pa lang ako, memorize na ni Tatay ang tulo ng luha ko at basang basa na n'ya kung paano timplahin ang bawat eksena.

“Sa mga araw na sumasagi sa isip ko na gusto ko umuwi na babawi ang lahat ng yun sa mga tawa kong walang kapantay dahil sa Technical Team ng Tatay ang aming mga cameraman Kuya Coby, Kuya Teng at ang Tatay Master DOP ko Tatay Itok at Ate Karen.

“'Tay maraming salamat masaya ako na halos sa lahat ng una ikaw ang kasama ko mula annakarennina hangang sa dito sa unang LockIn ng new normal. Isang mahigipit na yakap. Mahal kita, 'Tay.”

A post shared by 𝓜𝓲𝓼𝓼 𝓢𝓾𝓷𝓼𝓱𝓲𝓷𝓮 𝓓𝓲𝔃𝓸𝓷 (@m_sunshinedizon)