GMA Logo Sunshine Dizon
What's on TV

Sunshine Dizon sa pag-alis sa GMA noon: "I wasn't sure of what I wanted"

By Jimboy Napoles
Published February 13, 2023 7:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Carla Abellana, ikinasal na sa kaniyang non-showbiz partner
Purple Hearts Foundation brings joy via year-end gift-giving outreach
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Sunshine Dizon


Mahigit isang taon matapos gumawa ng ibang proyekto sa ABS-CBN, nagbabalik ngayon sa GMA si Sunshine Dizon bilang bahagi ng mega serye na 'Mga Lihim ni Urduja.'

Matapang na humarap sa Fast Talk with Boy Abunda ang nagbabalik-Kapuso at mahusay na aktres na si Sunshine Dizon kung saan nilinaw niya ang ang mga isyung ipinupukol sa kanya tungkol sa kanyang pagtawid sa ibang network.

Isa sa mga homegrown artist ng GMA Network si Sunshine kung kaya't marami ang nagulat nang magtrabaho siya sa isang proyekto ng ABS-CBN noong Abril 2021. Isang taon naman mula nang pansamantalang umalis sa kanyang home network, nagbabalik ngayon si Sunshine bilang bahagi ng upcoming mega serye ng GMA na Mga Lihim ni Urduja.

Sa kanyang panayam sa batikang host na si Boy Abunda, diretsahan siya nitong tinanong, “Bakit ka umalis at bakit ka bumalik?”

Itinuring naman itong pagkakataon ni Sunshine upang linawin ang kanyang mga naging network transfer.

Aniya, “This is the opportune time to actually say something because I kept quiet that time.”

Ayon kay Sunshine, nakatanggap siya ng kontrata sa GMA noon pero pinili niyang huwag muna itong pirmahan.

Kuwento niya, “The truth is I was offered a contract around September and for personal reasons, I opted not to sign immediately.”

Malaking bagay din daw ang nagawa ng pandemya sa kanyang mga naging desisyon noon para sa kanyang showbiz career.

“Somehow I felt like life happened, pandemic happened, I got lost along the way, I wanted to do a lot of other things, I wasn't sure of what I wanted and then the next thing I knew was March happened by then I was supposed to sign my new contract but then…”

Inamin naman ni Sunshine na gusto niya ng bagong experience noon sa kanyang trabaho kung kaya't pinili niyang kumuha ng trabaho hindi na bilang isang Kapuso.

“I think it's more of I felt like I needed to grow, I needed the experience, and you have to remember, Tito Boy, I've dedicated half, actually, more than half of my life to my home network and this was the very very first time that I would be allowed to work outside,” ani Sunshine.

Tinanong naman ni Boy kung naging maayos ang pakikipag-usap ng aktres sa GMA.

Sagot naman ni Sunshine, “Yes. That's why I said before that I never burnt bridges. All my nanays, everyone, I told them, I asked permission, I just wanted to grow.”

Saad pa niya, “You know when you're always in a certain box, and you're always in your comfort zone, how will you be able to grow? I want to experience something else.”

Malinaw din na sinabi ng aktres na isa siyang freelancer ngayon at malaya siyang magtrabaho sa kahit anong proyekto.

Aniya, “Because actually I don't have a contract with them, I'm a freelancer, I'm free to work with anyone I want to.

“Actually, Tito Boy, I'm turning forty this year, and I actually like the feeling of that kind of freedom to actually work for anyone that would like to work with me.”

Looking forward naman si Sunshine sa mga parating na oportunidad sa kanya bilang isang nagbabalik-Kapuso.

“Now that I'm back here I honestly don't know what this new chapter will bring me,” ani Sunshine.

Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:50 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.