GMA Logo Sunshine Garcia chubby era
Photo source: sunshine_garcia (IG)
Celebrity Life

Sunshine Garcia, proud sa kanyang 'chubby era'

By Karen Juliane Crucillo
Published December 10, 2025 5:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

SB19 announces ticket prices, selling dates for 'Wakas at Simula: The Trilogy Concert Finale'
Philtranco to cease operations after more than 100 years
7 Chinese nabbed for alleged illegal mining in Bukidnon

Article Inside Page


Showbiz News

Sunshine Garcia chubby era


Basahin ang reaksyon ni Sunshine Garcia sa mga komento tungkol sa kanyang 'chubby era.'

Punong puno ng confidence si Sunshine Garcia matapos idaos ang reunion concert ng SexBomb Girls noong December 4 sa Smart Araneta Coliseum.

Sa Instagram, ibinahagi ng actress-dancer ang kanyang pahayag sa netizens na patuloy na nagbibigay ng komento sa kanya gaya ng “Ang taba mo” at “Ang bigat ni Shine.”

“IN MY CHUBBY ERA,” sulat ni Sunshine.

“Ang dami ng taon na payat ako hindi natutuloy ang concert namin, ngayon talaga kung kailan nasa malaman ako,” kuwento niya.

Ikinuwento rin ni Sunshine na itinanong sa kanya ng kanyang asawa na si Alex Castro kung naaapektuhan ba siya ng mga komento ng netizens. Ngunit, sagot ni Sunshine, natatawa na lamang siya sa mga pumupuna sa kanyang katawan.

“Bakit? Una pag tiningnan ko account nung nag sabi…ahhhh NO COMMENT,” paliwanag ng aktres.

Dagdag pa niya, “2nd alam ko sa sarili ko na wala pang isang taon ako nanganganak via CS, ayaw ko madaliin yung katawan ko at alam ko sa sarili ko na papayat din ako.”

“AT GUYS NGAYON LANG AKO NASASABIHAN NA CUTE HAYAAN NYONG CHERISH KO MUNA ITO HAHAHA dahil pagnagpapayat ulit ako pahirapan ng katawan,” aniya.

Kahit nakatanggap ng pagpuna sa kanyang katawan, excited pa rin si Sunshine na makita ang kanilang fans sa RAWND 2 concert ng SexBomb Girls sa Mall of Asia Arena na ginanap noong December 9.

“MAG EXPECT KAYO SAME CHUBBY BUT HAPPY ANG MAKIKITA NYO SA AKIN! E-ENJOYIN KO LANG ANG MOMENT NA ITO DAHIL HINDI NAMIN ALAM KUNG MAUULIT PA ITO.. SEE YOU! We love you!” pahayag niya.

A post shared by Sunshine Garcia-Castro (@sunshine_garcia)

RELATED CONTENT: Tingnan dito ang iba pang celebrities na nakaranas ng body shaming: