GMA Logo Sunshine Guimary
PHOTO COURTESY: sunshine_guimary (IG)
What's on TV

Sunshine Guimary, sasalang sa hot seat ng 'The Boobay and Tekla Show'

By Dianne Mariano
Published January 13, 2023 4:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pope Leo, on Christmas Eve, says denying help to poor is rejecting God
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Sunshine Guimary


Abangan ang Cebuana sexy star na si Sunshine Guimary sa 'The Boobay and Tekla Show' ngayong Linggo (January 15).

Isang gabi ng masasayang selebrasyon ang hatid ng inyong favorite Sunday night habit!

Mapapanood for the first time ang sexy Cebuana star na si Sunshine Guimary sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo (January 15).

Sasabak ang model-turned-vlogger and actress sa hot seat at haharapin ang nakaiintrigang mga tanong sa “May Pa-Presscon.” Bukod dito ay sasagutin din ni Sunshine ang mga maiinit na tanong sa “Guilty or Not Guilty.”

Samantala, isang surprise birthday celebration naman ang naghihintay para kay TBATS host Tekla. Mayroon pang masayang kantahan sa pagitan ng Kapuso comedian at Mema Squad members na sina Jessica Villarubin at Jennie Gabriel.

Abangan ang all-new episode ng The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo (January 15) via livestream at sa GMA pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

SAMANTALA, ALAMIN KUNG BAKIT KABILANG SINA BOOBAY AT TEKLA SA MGA NANGUNGUNA SA LARANGAN NG COMEDY DITO.