GMA Logo Daig Kayo Ng Lola Ko teaser
What's on TV

Super Ging at Witchikel sisters, susuong sa mas matinding hamon | Teaser

By Aedrianne Acar
Published May 13, 2020 3:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Megan Young, Mikael Daez mark first Christmas as parents
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Daig Kayo Ng Lola Ko teaser


Tutukan ang dalawang istorya ni Lola Goreng na punong-puno ng magic at kapupulutan ng aral ngayong Linggo sa 'Daig Kayo ng Lola Ko.'

Matitinding pagsubok ang haharapin ng mga bida natin sa back-to-back story ni Lola Goreng (Gloria Romero) sa Daig Kayo Ng Lola Ko kaya hindi kayo dapat ma-late sa panonood ng adventure nina Super Ging at ng beautiful Witchikel sisters.

Paano haharapin ni Super Ging ang mga halimaw na gustong sumira sa katahimikan ng kanilang lugar at magawa kaya niyang iligtas ang lahat kahit ang crush niya na si Harvey?

Samahan ang Kapuso loveteam nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix na tampok sa 'Amazing Adventures of Super Ging and Harvey!'


Magawa kaya ng Witchikels na sina Winona, Willow at Winslet na maalis ang spell na ginamit ng evil stepmom nila na si Waleylang sa kanilang ama?

Sundan ang pagpapatuloy ng kuwento ng Witchikels na pinagbibidahan nina Kapuso actresses Kylie Padilla, Gabbi Garcia at Sanya Lopez sa part two ng kuwento ni Lola Goreng.


Sunday nights are simply the best with Lola Goreng! Kaya tutukan ang istorya nina Super Ging at Harvey sa sa Daig Kayo Ng Lola Ko this May 17, mula 6:55 PM to 7:40 PM at ang ikalawang kuwento niya sa mga Witchikels from 7:40 PM hanggang 8:25 PM, pagkatapos ng Amazing Earth at bago ang Kapuso Mo, Jessica Soho.