GMA Logo I Heart Movies
What's on TV

'Super Inday and the Golden Bibe' ni Marian Rivera, tampok sa I Heart Movies

By Marah Ruiz
Published February 28, 2022 2:47 PM PHT
Updated March 7, 2022 10:39 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Remains of ex-DPWH Sec. Cabral brought to Manila
Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

I Heart Movies


Isa ang 'Super Inday and the Golden Bibe,' starring Marian Rivera, sa mga pelikulang mapapanood sa I Heart Movies ngayong linggo.

Tampok si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa Super Inday and the Golden Bibe, isa sa mga pelikulang mapapanood sa I Heart Movies ngayong linggo.

Ang 2010 fantasy-adventure ay remake ng original 1988 movie na may parehong pamagat at pinagbidahan ni Diamond Star Maricel Soriano.

Isa rin ito sa official entries sa 36th Metro Manila Film Festival kung saan nanalo ito ng Best Sound Engineering at nakatanggap ng mga nominasyon para sa Best Make-up Artist at Best Actress para kay Marian.

Gumaganap si Marian dito bilang Inday, isang babaeng makakatanggap ng golden eggs ni Goldy, isang fallen angel na nag-anyong bibe.

Gamit ang kapangyarihan ng mga ginintuang itlog, magta-transform siya sa superhero na si Super Inday.

Huwag palampasin ang Super Inday and the Golden Bibe sa March 6, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Tunghayan din ang Mulawin: The Movie, ang pagpapatuloy ng kuwento ng iconic GMA telefantasya na Mulawin.

Sa pelikula, naghahanda na para sa tahimik na buhay sina Aguiluz (Richard Gutierrez) at Alwina (Angel Locsin) nang abutan ng malakas na bagyo ang sinasakyan nilang bangka.

Magkakahiwalay sina Aguiluz at Alwina at mawawala pa ang kanilang mga alaala.

Samantala, bubuhayin ni Sang'gre Pirena (Sunshine Dizon) si Haring Ravenum kaya manganganib muli ang mga Mulawin.

Paano sila lalaban ngayong nawawala ang mga pinakamagigiting nilang mandirigma na sina Aguiluz at Alwina?

Official entry din ang Mulawin: The Movie sa 2005 Metro Manila Film Festival.

Abangan ang Mulawin: The Movie, March 4, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.