
Magbabalik na ba ang tambalan ng mga komedyateng sina Super Tekla at Donita Nose?
Sa isang post sa Instagram, nagbahagi si Donita ng picture nila ni Tekla habang magkatabi sa eroplano. Ayon sa tag ng post, tila papunta ang dalawa sa ibang bansa.
"Panu Kaya kami makakabawi…. ?????
"Nagkataon nagkataglot…🤣🤣🤣
"With antilot Suoer Teklot🤣🤣🤣," sulat niya sa caption ng kanyang post.
Dinagsa naman ng comments mula sa kanilang mga tagasubaybay ang post ni Donita. Karamihan dito ay nagsasabing sana ay magkatrabaho na sila muli.
"Yey balik tambalan na po.. Namimiss na namin ang mga kabaliwhan nyo.. Love love love ❤️❤️❤️ love you both," sulat ng isa.
"yehey! vlog po soon pleaaase," sulat ng isa pa.
"WOWWWWWW😍😍 my donekla is backkkkkk na ba🙌🙌🙌❤️," dagdag pa ng isang commenter.
Matatandaang noong nakaraang Pebrero, naglabas sila ng isang livestream video sa kanilang joint YouTube channel na Donekla in Tandem.
PLEASE INSERT INSIDE IMAGE HERE
Dito nila pinagusapan ang kanilang alitan na nag-ugat daw ito sa pagpo-produce nila ng videos. Pakiramdam daw kasi ni Donita, hindi committed at tila laging ditracted si Tekla kaya hindi ito gaanong nakakatulong sa proseso ng paggawa nila ng videos.
Ito ang huling video sa kanilang joint vlog.
Nagkaayos na nga ba talaga ang magkaibigan at kapwa komedyante?