
Muli nang mapapanood ngayong Nobyembre ang batikang komedyante na si Super Tekla sa programang The Boobay and Tekla Show matapos ang halos dalawang buwan.
Sa pag-uusap nina Boobay at Tekla, tinanong ng una ang kanyang kapwa komedyante kung bakit matagal itong hindi napanood sa kanilang programa.
“Siyempre, pumunta ako ng America,” sagot ni Tekla.
Nang tanungin naman ni Boobay kung ano ang ginawa ni Tekla sa Amerika, sinabi ng huli, “I worked.”
Matapos ito, sinagot ni Tekla ang mainit na tanong kung totoo bang nais na nitong iwanan ang The Boobay and Tekla Show.
“Ay, hindi. Siyempre show natin 'to, ba't ko iiwan?” paglahad niya.
May natanggap daw na alok ang komedyante para lumabas sa primetime soap sa ibang istasyon pero tinanggihan niya ito dahil nasa Kapuso Network ang kanyang loyalty.
Samantala, inupload din sa official Facebook page ng TBATS ang nakatutuwang dance video nina Boobay at Tekla.
Subaybayan ang The Boobay and Tekla Show tuwing Linggo, 10:10 p.m., sa GMA at Kapuso stream.
ALAMIN KUNG PAANO ANG “TAMANG TIMPLA” NG COMEDY PARA SA KANILA SA GALLERY NA ITO.