What's Hot

Super Tekla, na-challenge sa pagganap bilang lalaki sa 'Kiko en Lala'

By Michelle Caligan
Published September 25, 2019 10:41 AM PHT
Updated September 25, 2019 12:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DongYan, Barbie Forteza, more Kapuso stars and celebs ring in Christmas
Man nabbed for alleged illegal sale of firecrackers in Zamboanga City
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News



Straight man sa totoong buhay, mas na-challenge daw si Super Tekla na gampanan ang role na Kiko.

Gaganap bilang kambal si Super Tekla sa kanyang launching film na Kiko en Lala. Bukod sa hirap ng pagkakaroon ng dual role, dagdag challenge pa ang pagiging conjoined twins nina Kiko at Lala, na isang straight guy at isang bading.

Sept 25 na po ang KIKO en Lala! Manood po kayo... ❤️🙏

A post shared by SuperTeklah Librada (@superteklahlibrada) on


WATCH: Cinema trailer ng pelikulang 'Kiko en Lala' starring Super Tekla

Straight man sa totoong buhay, mas na-challenge daw ang Kapuso comedian na gampanan ang role na Kiko.

Babae.... #KikoEnLala Showing on Seotember 25 in all cinemas nationwide!

A post shared by SuperTeklah Librada (@superteklahlibrada) on


"Ang pagiging bakla, gamay ko na 'yan eh. For 15 years, ginampanan ko na 'yan eh, na-perfect ko na.

'Yung pagiging lalaki, doon ako na-challenge. Ang hirap palang maging poging pogi sa sarili (laughs). At ramdam na ramdam ko 'yun, 'yung poging pogi," kuwento niya.

Malaki rin ang pasasalamat ni Super Tekla sa mga nakasama niya sa pelikulang ito, lalo na kay Comedy Concert Queen Aiai Delas Alas na may very special role dito bilang si Deadline.

Ms. Aiai Delas Alas bilang Deadline

"Maraming salamat talaga at pinaunlakan niya kami, pumayag siyang maging bahagi nito.

"Hanggang ngayon naiiyak pa rin ako, hindi pa rin ako makapaniwala sa blessing na ito," saad niya.

Super Tekla, gusto makapag-promote ng 'Kiko En Lala' sa 'Wowowin'

Huwag palampasin ang Kiko en Lala, showing na simula ngayon, September 25, in cinemas nationwide.

IN PHOTOS: Kapuso stars attend the red carpet premiere of 'Kiko en Lala'