GMA Logo super tekla on closure of zirkoh and klownz
What's Hot

Super Tekla, nalulungkot sa pagsasara ng Klownz at Zirkoh

By Cherry Sun
Published July 1, 2020 3:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

super tekla on closure of zirkoh and klownz


May panalangin at mensahe rin si Super Tekla para sa kanyang mga katrabaho sa Klownz at Zirkoh.

Kabilang si Super Tekla sa mga nagdaramdam ngayon dahil sa malungkot na sinapit ng Klownz at Zirkoh.

Ang comedy bars kasi na pagmamay-ari ni Eat Bulaga dabarkad Allan K ay tuluyan nang ipasasara.

Nagsimula bilang isang stand-up comedian si Super Tekla kaya minsan din niyang naging tahanan ang Klownz at Zirkoh.

Ayon sa komediyante, batid niya ang hirap ng kanyang mga naging katrabaho.

Ani Tekla, “Sobrang nakakalungkot bilang bahagi ako ng Klownz and Zirko na tanging pader at sandigan ng mga co-performers ko.

"Isang napalaking pangarap at pag-asa ang tinibag at ginuho ng pandemiyang ito.

"Isang malaking hamon at dagok sa amin mga performers, DJ, waiter, staff, valet [workers], at mga bumubuo ng Klownz at Zirkoh na nagpapanatiling itaguyod ang live entertainment at maghatid ng ngiti at saya sa mga tao.

Diin din na TBATS host, huwag mawalan ng pag-asa ang kanyang mga nakasama sa naturang comedy bars.

Patuloy ni Tekla, “Masakit isipin pero ang lahat ay may rason at plan ang Diyos mga ate.

"This is not the end of the world. Sabay-sabay tayong kumapit at magtiwala sa kanya. May awa ang Diyos.

"Kung may magsasara, 'wag tayong mawalan ng pag-asang magdasal at manalig sa kanya. May magbubukas sa ating lahat ng isang malaking opurtunidad at pag-asa. May awa ang Diyos.”

Nag-alay rin ng panalangin si Tekla para sa kanyang mga kasamahan sa live entertainment at pati na sa lahat ng nawalan ng kabuhayan ngayon dulot ng COVID-19 crisis.

Bahagi ng kanyang dasal, “Panginoon sana'y haplusin nang iyong kapangyarihan, nawa'y may isang magtatanggol, at maninindigan sa amin at mabigyan ng pansin ng aming pamahalaan.

"Mabigyan ng maayos na programa at kabuhayan ang mga kasamahan ko sa industrya at pati na rin sa mga nawalan ng trabaho at mga naghihirap.

"Buo ang loob ko na sa kahit anung unos at dagok, kahirapan, at pagsubok na dinaranas ng bawat isa sa amin, sana'y manaig ang iyong awa at pagmamahal.

"Sa kabila ng kahirapang aming nararanasan, lubos kaming naniniwala na ipagkaloob mo sa amin ang isang malaking miilagro ng pag-asa.”

Maliban sa kanyang agam-agam sa industriya, may kinahakarap din na personal na pagsubok si Tekla.

Ang kanya kasing bagong silang na anak ay ipinanganak na may anorectal malformation o walang butas ang puwit.

Nananatili sa ospital si baby Angelo, ligtas mula sa COVID-19 at nagpapalakas para sa kanyang susunod na operasyon.