GMA Logo Super Tekla
What's Hot

Super Tekla, pinasalamatan ang GMA sa patuloy na pagbigay ng suporta sa kanya

By Cara Emmeline Garcia
Published June 29, 2020 2:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos: Though thankless, public service is a job that is worth it
6 hurt in 'festi-brawl' in Roxas City, Capiz
A festive beauty pop-up opens in the South just in time for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Super Tekla


Para kay Super Tekla, wala pa ring hihigit sa pagtanggap sa kanya ng GMA noong akala niya'y “katapusan na ng karir ko.”

Ikinagagalak ni Super Tekla ang maging bahagi ng ika-70 anibersaryo ng GMA kaya naman para sa kanyang proudest Kapuso moment, ikinuwento niya ang pagpirma niya ng kontrata na nagsilbing career milestone niya sa network.

Aniya, “Ang proudest Kapuso moment ko ay siguro nung tinanggap ako ng GMA at naging bahagi ng GMA Artist Center.

“Akala ko kasi noon ay katapusan na ng karir ko sa dami ng pinagdaanan kong pagsubok at mga nangyari sa buhay ko ay tinaggap pa rin ako ng Kapuso network at itinuring pa na parang anak.

“Pakiramdam ko, Kapusong-kapuso talaga ako.

“Kaya lubos akong nagpapasalamat sa Kapuso network sa patuloy na pagbibigay ng pag-asa at oportunidad sa akin.”

Wika ng TBATS host, iba pa rin ang pakiramdam ng pagiging isang Kapuso kaya minamabuti niyang maghatid ng ligaya sa bawat Pilipino.

“Ang pagiging Kapuso ang nagsisilbing tulay para maipamahagi ko ang aking talento sa aking mga kababayan, 'di lamang dito sa Pilipinas kundi pati na rin sa ibang bansa.

“Wala po akong ibang hangarin kundi magbigay ng saya, ngiti, sa bawat Kapusong Pilipino saan mang bahagi ng mundo.”

Panoorin ang kanyang mensahe sa GMA Network sa video na ito:

MUST-READ: Ang tunay na buhay ni Super Tekla

UPDATE: Bagong silang na anak ni Super Tekla, nasa ICU matapos ang unang operasyon