
Nakapag “super tuna” challenge na ba ang lahat?
Isa ito sa kinagigiliwang dance challenge ngayon sa hit video sharing app na TikTok.
Unang sumikat ang “Super Tuna” song sa mismong kaarawan ng BTS member na si Jin noong December 4, 2021, at hanggang ngayon patok pa rin ito sa mga certified ARMY at iba pang fans ng BTS.
Ilang netizens ang nahumaling dito kabilang na ang Pinoy lola na ito na game na game ring kumasa sa trending dance challenge.
@ambingbote Ito na po ang request niyo na Super Tuna dance cover 💜🐟 #supertuna #supertunadancechallenge #supertunabyjin #getwellsoon #btsarmy #bts #lolaArmy ♬ super tuna by seokjin - 𝑽𝒊𝒏𝒂
Sa kasalukuyan, mayroon nang 4.5 million likes at 48 million views and dance choreography video ni Jin sa Youtube.
Dahil sa easy at cute na dance steps nito, napaindak na rin pati ang all-time favorite group ng '90s kids na Teletubbies.
Mapapanood sina Tinky-Winky, Dipsy, Laa-Laa at Po habang nag-e-enjoy sa paghataw para sa kanilang entry ng “Super Tuna” dance challenge.
@teletubbies Of course the Teletubbies first ever TikTok dance was the #supertunachallenge - how do you think they did? 💜💚💛❤️ #bts ♬ Super tuna - La_lim💜❤️
Samantala, narito ang respective Instagram accounts ng BTS members sa gallery na ito: