
Ang superhero hindi kailangan may kapa, sandata, o superpower.
Hindi lang sila makikita sa TV, pelikula, o pahina ng komiks dahil maging ang mga ordinaryong tao ay maituturing na superhero.
Kabilang na riyan sina Erham at Al Mudar na rumesponde sa bumagsak na C-130 plane ng Philippine Air Force sa Patikul, Sulu kung saan marami ang nasawi at sugatan noong Hulyo.
Noong mga panahong iyon, ilang lamang sila sa mga nagpakita ng tapang at sinuong ang panganib ng nagliliyab na eroplano para lang mailigtas ang ating kasundaluhan.
Alamin ang kanilang kuwento sa GMA News and Public Affairs year-end special na Year of the Superhero ngayong January 1, 2022, 7:15 p.m. sa GMA.