What's Hot

Superstar Nora Aunor, pinarangalan bilang Filipino National Artist sa award sa Japan

By Aaron Brennt Eusebio
Published June 18, 2024 1:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PNP sends off over 2,000 cops for 2026 ASEAN meet in Central Visayas
Mga Balikbayan nga Makig-Sinulog sa Cebu, Mainitong Gisugat | Balitang Bisdak
Farm To Table: Panalo sa sarap!

Article Inside Page


Showbiz News

Nora Aunor


Kinilala sa World Class Excellence Japan Awards ang nag-iisang Nora Aunor, na mapapanood rin sa GMA Afternoon Prime series na 'Lilet Matias, Attorney-At-Law.'

Tumanggap ng panibagong parangal ang nag-iisang Superstar at National Artist for Film and Broadcast Arts Nora Aunor nang kinilala siya bilang Filipino National Artist sa World Class Excellence Japan Awards.

Hindi binigo ni Ms. Nora ang kanyang mga taga nang personal niyang tanggapin ang award sa isang five-star hotel sa Pasay City.

"Pangalawa na 'to, e, na binigay na award sa akin kaya lang ['yung una,] sa Japan kaya hindi ako nakapunta kaya nangako ako dito na pupunta ako," pahayag ni Ms. Nora sa panayam ni Lhar Santiago sa 24 Oras.

Nasakto ang pagtanggap ni Ms. Nora ng panibagong award sa paglabas siya sa GMA Afternoon Prime series na Lilet Matias, Attorney-At-Law kung saan nagkaroon siya ng reunion kay Jo Berry, ang gumaganap bilang Atty. Lilet.

Dito gagampanan niya si Chato, ang inang lumapit kay Atty. Lilet para tulungan siya sa kinakaharap niyang kasong pagpatay sa asawa ng anak niyang mentally challenged.

"Okay naman, wala namang problema, natapos naman ako sa oras na sinabi. Maganda 'yung [Lilet Matias, Attorney-At-Law,]" dagdag niya.

Ano naman kaya ang masasabi niya kay Jo?

"Magaling pa rin, at saka mabait pa rin, bungisngis nang bungingis."

Bukod rito, proud rin si Ms. Nora sa pelikula niyang Mananambal kasama si Bianca Umali na itinanghal sa Jinseo Arigato International Film Festival sa Japan.

"Dapat nga kasama rin ako doon kaya lang marami akong hindi nasamahan nung mga nakaraang bigayan ng karangalan," saad niya.

May kasunod na kayang pelikula ngayon si Ms. Nora?

"Pinag-iisipan pa kung anong istorya 'yung babagay," sagot niya.

Dagdag niya, "Okay naman ako, okay naman ako. Kaya lang minsan, dahil nga doon sa nakaraan na lagi akong na-o-ospital, pero ngayon okay naman ako, wala namang problema."