
Matamis na tagumpay ang nakamit nina Tristan 'Good Boy' Hernandez (Alden Richards) at Danica 'Dani' Sison (Bea Alonzo) sa finale ng GMA drama series ng Start-Up PH.
Kahit naging komplikado ang kanilang relasyon dahil sa labis na pagseselos ni Tristan kay Davidson 'Genius Boy' Navarro (Jeric Gonzales), nagkaroon pa rin ng pag-asa na magkaayos sina Tristan at Dani.
Muling nagkausap ang dalawa at nagkasundo silang magsimula ng panibagong buhay nang magkasama at mas matatag.
Samantala, si Davidson ay nagdesisyon nang bumalik sa Korea upang ipagpatuloy ang kaniyang trabaho at para na rin sa mas magandang mga oportunidad na naghihintay sa kaniya roon.
Bago umalis si Davidson ay matapang siyang humarap kay Dani upang humingi ng tawad sa dalaga tungkol sa lahat ng mali niyang nagawa, kabilang na rito ang pagpapanggap niya noon na siya ang dating ka-penpal nito.
Matapos ang lahat, mayroon namang pinagkakaabalahang mahalagang bagay si Tristan para sa kaniyang girlfriend na si Dani.
Sinabi ni Tristan sa kaniyang assistant na si Darwin (Kevin Santos) na mayroon silang io-organize na isang big event sa tuktok ng SandboxPH building.
Walang kaalam-alam si Dani na magpo-propose na pala sa kaniya ang kaniyang ka-penpal at mentor noon na si Tristan!
Bukod kina Alden, Bea, at Jeric, napanood din sa serye bilang lead star ang award-winning actress na si Yasmien Kurdi. Gumanap siya rito bilang si Ina Diaz/Sison, ang kapatid ng karakter ni Bea.
Napanood din sa Start-Up PH ang mga aktor na sina Gabby Eigenmann, Kim Domingo, Jackie Lou Blanco, Ayen Munji-Laurel, Nino Muhlach, Boy 2 Quizon, Lovely Rivero, Royce Cabrera, Kevin Santos, Tim Yap, Jay Arcilla, Kaloy Tingcungco, Brianna, at si Ms. Gina Alajar.
Maraming Salamat sa inyong pagsubaybay sa Start-Up PH, mga Kapuso!
Maaaring balikan ang previous episodes ng serye dito.
SILIPIN ANG BEHIND THE SCENES NG START-UP PH SA GALLERY SA IBABA: