
Hindi maitatanggi na talagang sumusunod ang little surfer na si Lilo sa yapak ng kanyang mga magulang na sina Philmar Alipayo at Andi Eigenmann pagdating sa sport na surfing.
Related gallery: The cutest photos of Lilo
Sa isang throwback video na in-upload ng Asian Sports Network sa Instagram, mapapanood ang kahanga-hangang performance ni Lilo para sa Queen of the Point competition na naganap noong May sa Siargao Island.
Ayon sa caption ng Instagram page, “The future of surfing in the Philippines is in safe hands! Lilo Eigenmann Alipayo surfing her way to a podium finish this week at Queen of the Point.”
Sa naturang clip, ipinamalas ng young surfer ang kanyang husay at lakas ng loob habang nasa dagat.
Itinanghal na third placer si Lilo sa kompetisyon.
Sa kasalukuyan ay mayroon na itong 1.5 million views at patuloy pang umaani ng papuri si Lilo mula sa netizens na bagong nakapanood ng video.
Samantala, nag-celebrate ng kanyang sixth birthday si Lilo noong nakaraang buwan ng July ngayong taon.