GMA Logo survivors first episode
What's Hot

#Survivors: Mag-amang may underlying medical conditions, gumaling mula sa COVID-19!

By Racquel Quieta
Published May 15, 2020 3:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Bicam defers DPWH budget talks, proceeds with other agencies
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

survivors first episode


Alamin kung anu-ano ang mga hirap na pinagdaanan ng mag-amang Terry at Joseph bago sila gumaling mula sa COVID-19. Panoorin DITO:

Noong May 12, Martes, alas-singko ng hapon, nagsimula na ang special online series na handog ng GMA News and Public Affairs at Tunay na Buhay, na pinamagatang Survivors.

Hatid ng Survivors ang mga kuwento ng mga gumaling mula sa COVID-19, na tiyak magbibigay pag-asa at inspirasyon sa kabila ng nararanasang pandemya.

At sa unang pagtatanghal ng Survivors, itinampok ang istorya ng mag-amang sina Sotero 'Terry' Agot at Joseph Agot, na parehong may karamdaman bago tinamaan ng sakit na COVID-19.

COVID-19 survivors sina Joseph Agot at Terry Agot | Source: @tunaynabuhay (IG)

Sa kabutihang palad, noong April 27, sabay na nadeklarang COVID-19-free sina Joseph at Tatay Terry.

Napasayaw pa nga sa tuwa si Tatay Terry nang tuluyan na silang ma-discharge mula sa ospital.

Napasayaw sa tuwa si tatay Terry nang madeklarang COVID-19-free | Source: @tunaynabuhay (IG)

Pareho nang bumuti ang kanilang pakiramdam at patuloy pa rin silang naka-home quarantine.

Ngunit, bago sila gumaling sa COVID-19, isang matinding dagok ang pinagdaanan ng kanilang pamilya.

Panoorin ang kanilang buong kuwento sa unang episode ng online series na handog ng Tunay na Buhay, ang Survivors.


Good news: Senior citizen couple, a doctor, and an attorney among those who recently recovered from COVID-19

COVID-19: Pag-asa mula sa survivors, para sa COVID-19 patients

How do COVID-19 survivors' blood plasma donations help save other infected patients?

#Throwback: 10 Surprising celebrity revelations sa Tunay na Buhay