
Nakakakilig na ikinuwento ng highly-respected Kapuso news and radio personality na si Susan Enriquez ang kaniyang lovelife sa guesting niya sa vodcast na Your Honor.
Sa pagsalang ng DZBB anchor bilang resource person, bukas nitong pinagusapan ang kaniyang pribadong buhay kina Chariz Solomon at Buboy Villar.
“Papasaya sa akin? Pag 'yung alam ko maganda yung anak ko, relasyon namin 'yun!” Nang tanungin ni Madam Cha kung may jowa ito, sagot ng Unang Hirit host, “Siyempre meron!” sabay tawa ng multi-awarded Kapuso news personality.
Pag-amin pa ni Tita Susan na more than 10 years na sila ng kaniyang current partner.
Sumunod na tanong ni Vice chair Buboy: “Teka lang po, na-out n'yo na po ba ito?”
“Oo naman. Masyado siyang private, kilala ng mga camera man namin at mga assistant. Hindi siya on cam, pero dito siya sa GMA rin.”
“Siyempre kailangan mo rin talaga yung ganun, kailangan mo yung partner na masasabihan mo ng lahat ng ano sa buhay mo."
RELATED CONTENT: Real-life Kapuso couples that make us believe in love