What's on TV

Susan Enriquez, tatalakayin ang kahalagahan ng 'face card' sa 'Your Honor'

By Marah Ruiz
Published November 7, 2025 11:57 AM PHT
Updated November 7, 2025 5:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NCAA: Arellano braves through 2OT vs. Mapua to clinch Juniors basketball finals ticket
'Wilma' weakens into LPA near Cataingan, Masbate
XG's Cocona undergoes top surgery, comes out as AFAB transmasculine non-binary

Article Inside Page


Showbiz News

Susan Enriquez on Your Honor


Binalikan ni Susan Enriquez ang pagisismula niya sa telebisyon kung saan mahalaga ang "face card" sa 'Your Honor.'

Binalikan ni Susan Enriquez ang pagisismula niya sa telebisyon kung saan mahalaga ang "face card" sa 'Your Honor.'

Ang veteran journalist at TV host na si Susan Enriquez ang resource person ngayong linggo sa hit vodcast na Your Honor.

Babalikan ni Susan ang pagsisimula niya sa telebisyon kung saan mahalaga ang kagandahan o "face card" kung tawagin ng Gen Z ngayon.

"Nagsimula ako dito talaga sa radio. Noong na-absorb na ko sa TV, wala pa noon 'yung mga social media na pwede kang mag-message. Talagang nag-e-effort sila para tumawag sa telepono. Sasabihin 'Ano ba 'yang reporter niyo na 'yan? Parang pinabili ng suka, pinag-report niyo na!' Pero wala na 'kong magagawa sa mukha ko. Laging may masasabi [ang mga tao]," lahad niya.



Samahan si Susan pati na sina House of Honorables Chair Madam Cha, at Vice Chair Mr. Buboy sa Session #45 na pinamagatang "In Aid of Face Value: Umasal ayon sa Ganda."

Hearing na, vodcast pa! Abangan ang bagong episode ng Your Honor, ngayong November 8, pagkatapos ng Pepito Manaloto, sa Youtube channel ng YoüLOL, Spotify, at Apple Podcasts.