What's on TV

Susan Enriquez, tinulungan ang pinsan niya na magbenta ng suman online nitong lockdown

By Aedrianne Acar
Published July 14, 2020 7:15 PM PHT
Updated August 13, 2021 2:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Jalen Green rescues Suns at buzzer of double OT bout with Magic
GMA Network caps 2025 with ratings leadership, digital dominance
Philippine classic 'Noli Me Tangere' set for Arabic translation

Article Inside Page


Showbiz News

Kapuso news personality Susan Enriquez


Maraming natutunan ang 'Pera Paraan' host na si Susan Enriquez sa pagbe-benta online sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Based from her experience ang mapapanood na mga financial tips at paraan para kumita ng extra ngayong new normal sa bagong show ni Susan Enriquez na Pera Paraan.

Sa panayam niya last week with the members of the press, ikinuwento niya na sumabak din siya sa online selling noong lockdown.

Nakasama din sa naturang event sina Winnie Monsod na host ng News Makers at ang award-winning broadcaster na si Kara David para sa Bright Side.

Wika niya, “Ako nga nag-attempt nga ako mag-online selling, e kaya lang ano pala kailangan full time ka pagka nasa online selling kasi dapat natutukan mo rin 'yung produkto mo.

“Kasi ayaw mo naman na makasama ka doon sa mga nang-i-scam na mga nag-o-online selling.”

Dagdag ng seasoned TV-radio anchor na tinulungan niya ang kanyang pinsan na magbenta ng suman sa lihiya.

Tinanong naman siya ni Prof. Winnie Monsod kung kumusta ang benta nila at agad naman tumugon si Susan na successful naman ito.

Proud na sinabi niya, “Success, Tita (Winnie Monsod). Gusto ko siya tulungan kasi 'yun ang ginawa niyang hanapbuhay during this pandemic. Wala siyang trabaho.

“So, ako parang ako nag-reseller, 'pag reseller konti lang 'yung ipapatong mo doon. Marami namang umoorder kasi masarap 'yung produkto. Kailangan proud ka sa produkto mo.”

May pabaon payo din ang Pera Paraan host sa mga taong naiisip na mag-online selling.

Saad niya, “Ang payo ko kapag mag-o-online selling maging honest ka sa produkto na binibenta mo.”

Heto pa ang ilang highlights ng panayam kina Kara David, Susan Enriquez at Winnie Monsod tungkol sa shows nila na magiging bahagi ng New Normal: The Survival Guide strip sa GMA News TV.

Susan Enriquez, hatid ang money saving tips ngayong new normal

Living alone is not a problem with 'Home Work'

Why Drew Arellano won't be in the delivery room with Iya Villania when she gives birth to baby No.3