What's on TV

Susunod sa 'Karelasyon'... Daddy Santa

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated June 29, 2020 4:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News



Pagmamahal ang hiling ngayong Pasko

Sa mall nagumpisa ang relayon nina Ria at Nico nang magkakilala sila isang simple ngunit nakatutuwang raket tuwing panahon ng kapaskuhan.

Naging maagang pamasko si Nico sa buhay nina Ria dahil inibig siya nito at agad na tinanggap si Emman, anak ni Ria sa kanyang dating live-in partner.  

Pero mabigat na papel pala ang gagampanan ni Nico sa buhay ng mag-ina.

Una, malalaman niyang may malubhang sakit si Emman kaya kakailangnin niyang akuin ang gastos sa mga gamot. Pangalawa, matutuklasan niyang may nililihim si Ria tungkol sa sitwason nito sa tunay na ama ng bata.

Maiipit sa Nico sa gitna ng dalawang mabigat na suliraning susubok sa pagmamahal niya sa kawawang mag-ina.

Anong gagawin niya kapag nakaharap na niya ang totoong tatay ni Emman? Paano niya ipaglalaban si Ria na baka mabawi sa kanya?  

Ito ang kwentong may puso na handog ng Karelasyon ngayong Pasko. Tampok si Ms. Sunshine Dizon, kasama ang mag-ama sa tunay na buhay na sina Nino at Alonzo Muhlach.

Huwag ninyo itong palagpasin! Samahang muli si Ms. Carla Abellana ngayong Sabado, pagkatapos ng 'Eat Bulaga' sa GMA!