
Naging usap-usapan online kamakailan lang ang ilang behind-the-scenes photos ng Encantadia Chronicles: Sang'gre dahil, ayon sa mga mapanuring mata ng netizens, may mga litrato na hindi pa naipapalabas sa serye. Sinagot naman ito ng head writer na si Suzette Doctolero at sinabing “clues” ito sa mga dapat pang abangan ng mga manonood.
Sa Facebook, ibinahagi ni Suzette ang litrato nina Ruru Madrid at Gabbi Garcia bilang sina Ybrahim at Sang'gre Alena. Aniya, maraming tanong kung bakit hindi ipinakita o naipalabas ang naturang eksena sa serye.
Ibinahagi rin ng batikang writer ang ilang tanong na nababasa niya online, at sinabing hindi niya masisi ang netizens.
“Naghahanap kayo ng mga sagot. Naghahanap ng catarsis. Naghahanap ng kwentong matagal ninyong hinintay mapanood,” sabi ni Suzette.
Dahil umano sa dami ng mga tanong, maraming netizens ang gumawa ng sariling kwento, teorya, at fanfictions tungkol sa maaaring nangyari sa kuwento.
“Salamat sa inyong passion at pagmamahal! Sa inyong creativity at imagination! Sa inyong galit, sa inyong paghihimagsik,” sabi ni Suzette.
TINGNAN ANG BEHIND-THE-SCENES MULA SA ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE SA GALLERRY NA ITO:
Pagbabahagi pa ni Suzette, marami ang nag-debate, nagdugtong-dugtong ng kwento, pag-anlayze ng mga nangyari, at nag-away na netizens para lang madiskubre ang totoong nangyari.
Paliwanag ni Suzette sa litrato, “Our dearest, Encantadiks, itong picture na ito ay hindi deleted scene. It's a clue [at least isa sa mga clue].”
Ayon sa batikang teledrama writer, hindi gaya ng 2005 at 2016 versions ng serye, ang Encantadia Chronicles: Sang'gre ay hindi pinalabas in order. Saad ng batikang writer, inumpisahan nila ang kwento sa gitna, sa storya ni Mitena (Rhian Ramos). Ito rin umano ang dahilan kung bakit nawala kaagad ang mga 2016 cast sa serye.
Ngunit paglilinaw ni Suzette, “Marami pang kwentong hindi nasasabi. Ayan ang litrato bilang resibo. So many voices still silent.. the whispers of ivtres… and the living alike… Why? Because great tragedies are understood backwards.”
Pinasalamatan din ng batikang manunulat ang mga taong nagtatanggol at pasensyoso sa kwento para sa kanilang tiwala at pananalig.
Sa huli, saad ni Suzette, “The full story of Encantadia Chronicles Sang'gre isn't missing, it's written in the bloodstains you haven't connected yet. Simulan na uli ang mga kuro kuro.”
Tingnan ang post ni Suzette dito: