
Nag-tweet ang Encantadia creator na si Suzette Doctolero tungkol sa inaasal ng ibang fandoms sa social media.
Aniya, imbes na mam-bash ay bakit hindi raw subukan ng mga ito na maging "nice sa lahat" para makuha ang suporta ng industriya para sa kanilang mga iniidolong artista.
Idiniin din niya na kung "nega" ang fandom, tiyak makakaapekto ito dahil sa stress na maaari nilang idulot sa production.
Hinikayat din niya na maging "positive influencer" ang buong fandom ng AlDub Nation. At kailangang marinig ang boses at mamayani ang good members kaysa sa ilang fake fans.
Naniniwala rin si Doctolero na mayroong fake fans na ang tanging layunin ay sirain ang fandom at ang reputasyon ng mga artista.
Sa huli, nagpasalamat siya sa ilang miyembro ng AlDub Nation para sa "dialogue" nila on Twitter.
Photos by: OfficialSuzetteDoctolero(FB)