GMA Logo Suzette Doctolero
Source: suzidoctolero/IG
What's on TV

Suzette Doctolero, na-enjoy ang pagsusulat ng 'Pulang Araw'

By Kristian Eric Javier
Published September 24, 2024 2:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Suzette Doctolero


Alamin kung ano ang naging proseso ni Suzette Doctolero sa pagsulat niya sa 'Pulang Araw'.

Hindi biro ang magsulat ng isang historical fiction na serye gaya ng Pulang Araw dahil bukod sa may kadikit itong historical facts, kailangan ding ingatan ang kuwento na mula sa kasaysayan. Pero para sa head writer ng serye na si Suzette Doctolero ay mas na-e-enjoy niya ang pagsulat ng ganitong genre.

Sa latest episode ng Updated with Nelson Canlas podcast, ikinuwento ni Suzette kung bakit gusto niyang nagsusulat ng historical fiction. Aniya, bukod kasi sa na-e-exercise at nacha-challenge siya sa pagsusulat ay marami siyang natututunan dito.

Dito ay sinabi ng batikang writer na bago pa siya magsulat, nagbabasa na siya ng mga libro at nagri-research tungkol sa seryeng isinusulat niya. Sinabi rin ni Suzette na hindi pwedeng umasa lang sila sa kanilang history consultant kaya't mandatory para sa kaniyang mga writers ang magbasa.

“Kahit na meron kaming history consultant, nahihiya ako na magtanong nang magtanong sa kanila kasi 'pag nagsusulat na ang isang writer, nakaharap na siya sa computer, hindi niya katabi ang history consultant, wala siyang aasahan kundi ang sarili niya,” sabi ni Suzette.

Dagdag pa ng head writer, “That's why ako at saka 'yung mga writers ko, nire-require ko na magbasa nang magbasa lalo na kung halimbawa panahon ng mga Spanish 'to, ito nagre-require ako ng mga books na babasahin.”

Ngunit pag-amin ni Suzette ay nagkakaroon siya at ang mga kasama niyang writers ng information overload dahil sa dami ng mga binabasa at inaaral nila.

“Ang dami e, ang haba niyan, kahit na ba three years lang inabot 'yung invasion sa Pilipinas at ang pamamalagi ng mga Japanese dito pero napakaraming data at napakaraming historical references na nasulat about it,” sabi ng batikang manunulat.

Pagpapatuloy pa niya, “It's a matter of pipiliin lang kung ano 'yung may saysay doon sa buong kuwento. Depende doon sa aming tema.”

SAMANTALA, BALIKAN ANG CAST NG PULANG ARAW SA GALLERY NA ITO:


Tungkol naman sa creative freedom ni Suzette para sa serye, sinabi niyang binibigyan sila ng “enough na creative freedom” ng network. Ayon pa sa batikang writer ay naging malaking tulong ang mahaba niyang experience bilang isang manunulat kaya naging madali na ito sa kaniya.

“Kapag isinulat na siya, binasa na halimbawa ng consultant or ng direktor, or ng mga consultant, bihira silang magpa-revise na because ako mismo na head writer, alam ko kung ano ang gusto kong makita doon sa kuwento at 'yun din ang nire-require ko sa mga writers na under me,” pagtatapos ni Suzette.

Pakinggan ang buong panayam kay Suzette dito: