
Mainit na usapan ngayon ang pagkukumpara ng mga Pinoy teleserye at mga drama series mula South Korea o K-drama.
Nabuksan ang isyung ito matapos ang komento ng direktor na si Erik Matti, kung saan inilarawan niya ang mga K-drama bilang "Faux cinderella stories with belofied actors whiter than white."
The daily top ten most viewed on #Netflix shows us how our movies and tv are doomed in the future. K-drama galore. Faux cinderella stories with belofied actors whiter than white. And it's all about love in the midst of this pandemic. 🥵😠😫😤
-- Erik Matti (@ErikMatti) April 14, 2020
Sinundan naman ito ng blog post ng isa pang tanyag na direktor na si Jose Javier Reyes kung saan inisa-isa niya kung bakit patok ang mga K-drama sa mga Pinoy.
What makes KDrama plots so different, engrossing, interesting? Why are they addicting? After asking you guys what makes Koreanovelas tick, I gathered all the info and blogged:https://t.co/OtGO5Cgb94
-- Joey Javier Reyes (@DirekJoey) April 14, 2020
Hindi naman maiwasan magbigay ng sarili niyang komento sa isyu si film and television screenwriter Suzette Doctolero.
Base sa kanyang experience sa paggawa ng mga teleserye at pelikula, aminado siyang nahuhuli ang Pilipinas kumpara sa Korea at sa iba pang bansa.
Sa tingin daw niya, malaking dahilan ang limitadong budget at limitadong manonood ng mga teleserye at pelikulang Pilipino.
"At dahil limitado ang audience (masang Pinoy) naming mga Pilipino film makers and soap opera workers kaya limitado rin ang budget (laban sa pang hollywood level budget ng Koreans, na 15x times more expensive, kasi may world market na sila) tapos nagagawa pang ikumpara??
"Paano ma-aachieve yun kung wala namang nanonood at masa lang?" sulat niya sa kanyang Facebook account.
Ginamit niyang ehemplo ang My Husband's Lover, na unang umere sa GMA noong 2013 at kasalukuyang napapanood ngayon bilang bahagi ng espesyal na programming habang nasa enhanced community quarantine ang ilang bahagi ng bansa.
Ayon kay Doctolero, sinikap nilang gawing mataas ang kalidad ng serye pero hindi pa rin ito tinangkilik ng mga manonood at advertisers.
"Ako na ang magsasabi na nag try akong gumawa ng matinong kabitan serye sa pamamagitan ng MHL. Maiba lang.
"Noong ipinalabas po ito, wala po kaming commercial load. Maski isa. Hindi rin siya nag rate. Talo. Maingay lang siya sa social media. Pinag usapan. Pero olats. Mabuti na lang at pinanindigan ng GMA7 na ituloy pa rin itong show.
"Dahil pinag usapan at naging trending kaya doon po pumasok ang mga commercials (salamat!) pero hindi ang ratings. Talo pa rin po. Pero maingay talaga. Lalo sa social media. Di ko tuloy alam kung paanong maingay pero 'di nagre rate? Kaloka. (Dahil pinanood kami ng mga sosyal kaya watch sila online, hindi sa tv).
Though considered a success naman ang MHL kasi nga sa ingay. Pero sa numbers? Nope," sulat niya.
Nabanggit din ni Doctolero na malaking tulong sa tagumpay at kasikatan ng mga Korean drama at movies ang ang suporta ng kanilang gobyerno.
"Dahil involved ang gobyerno kaya tax free ang kdramas, libre rin ang lahat ng locations. May ginawa pang isla ang Korea (Nami Island) para lang maging Ekslusibong taping location ng mga Kdramas. Ganda doon! Picture perfect! Maganda sa mata ang biswal. May pang spring, summer, autumn at winter look. Nakakainggit!!!!! Hayuf sila. Kumpleto. Gumawa talaga ng taping island di ba??
"At dahil pang world market ang puntirya kaya nagpundar sila nang mamahaling mga camera at kagamitan, ng mga malakaki at state of the art studios, pinag aral din nila ang mga artist nila ng film making, magaganda at malalaki ang mga film school doon, pinondohan din para lumaki ang mga budget. Dahil ito sa gobyerno!" dagdag niya.
Basahin ang kabuuan ng komento ni Doctolero tungkol sa Pinoy teleserye vs. K-drama sa serye ng kanyang mga Facebook posts.
Kilala si Doctolero bilang creator ng iconic telefantasya na Encantadia, period drama na Amaya at marami pang iba.