
Ibinahagi ni Suzette Doctolero ang kaniyang saloobin sa mga viral posts sa social media at ang mga naging reaksyon ng netizens dito.
Ilan sa mga posts ni Suzette ay nagsimula ng diskusyon online. Sa Just In ay ibinahagi ng kilalang series writer ng GMA Network ang kaniyang saloobin tungkol sa mga ito.
PHOTO SOURCE: Sparkle GMA Artist Center
Kuwento ni Suzette sa Just In host na si Paolo Contis, "Patol ba 'yun? Nakikipag-debate lang ako actually."
Paliwanag pa ni Suzette, "Akala lang nila inaaway ko sila pero sa loob ko, teka muna nakikipag-argumento lang ako. Hindi naman ako nakikipag-away."
At kung pagbabawalan ang lahat na magsalita…. Ano silbi ng socmed? Manood lang ng mga nagsasayaw at mga nagpapa cute? 🤮 ika nga ni G Washington apple 🤣 “If freedom of speech is taken away, then dumb and silent we may be led, like sheep to the slaughter." Good morning!
-- Suzette Doctolero (@SuziDoctolero) March 13, 2023
Dami nang nagsalita ng masama sa akin, buhay pa rin ako, nagsusulat pa rin ako ng mga shows na alam kong hindi ko ikakahiya. Hindi ikaw ang Diyos, alam ng Diyos kung sino ako at ano ang nasa loob ko. Bruhang ito. Lols https://t.co/q1dxnpXPI0
-- Suzette Doctolero (@SuziDoctolero) February 24, 2023
Ayon sa manunulat, napag-uusapan siya dahil sa kaniyang paniniwala. Ani Suzette, "Naba-bash ako because of my beliefs, my stand, because of my statement.”
Saad pa ni Suzette, hindi naman mahalaga sa kaniya ang natatanggap na pangba-bash sa social media.
"Wala akong pake, kasi 'yung opinyon nila does not matter to me kasi buo ako. Alam ko e, alam ko kung ano ako, alam ko kung ano ang stand ko, alam ko kung sino ako. Kung jina-judge nila ako based on my statement, then problema nila 'yun, it's not my problem,” aniya.
Para sa kilalang writer, ang mga karaniwang naba-bash online ay ang mga may ibang paniniwala sa nakararami.
"Unang-una pa, naiintindihan ko na dito sa Pilipinas, medyo 'yung culture natin, gusto ng karamihan, ito lang 'yung thinking. Gusto natin walang lumilihis, walang different opinion, walang kakaibang ano kasi kapag ganoon iba-bash ka. Ayoko doon sa nandoon ka lang. Mas magandang lumalabas. Kahit naman sa mga isinusulat ko medyo uma-out."
Paliwanag pa ni Suzette tulad ng kaniyang mga naisulat na mga kuwento, ganoon din ang kaniyang personalidad.
"Ganoon din ako sa personality ko. Walang pagkakaiba. Because of that, naba-bash ka."
Si Suzette ay kilala sa kaniyang mga isinulat na mga serye tulad ng Encantadia, My Husband's Lover, Maria Clara at Ibarra, at marami pang iba.
Dugtong pa ni Suzette sa kaniyang interview, "Ang bina-bash sa akin, kung ano 'yung perception nila na ako. Minsan, kasinungalingan pa 'yung sinasabi about me."
Ayon kay Suzette hindi niya maiiwasan na hindi sumagot sa mga posts tungkol sa kaniya dahil pinalaki raw siyang lumalaban para sa sarili.
"Pagdating sa ganoon, dahil tinuruan ako na ipagtanggol ang sarili ko, ganoon ako na-train noong bata ako e. Ganoon din ang aking instinct na kapag may tumira sa akin, sasagot ako,” sabi pa niya.
"Hindi ako mananahimik, sasabihin ko kung ano 'yung nasa isip ko rin."
PANOORIN ANG INTERVIEW NA ITO MULA SA EPISODE 8 NG JUST IN: