GMA Logo Suzette Doctolero
Source: suzette.doctolero.7 (FB)
What's Hot

Suzette Doctolero, nilinaw ang komento tungkol sa 2016 'Encantadia'

By Kristian Eric Javier
Published January 3, 2026 5:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Shear line floods areas in the Visayas; sea trips cancelled
Over P1M worth of shoes stolen after delivery app hacked
Stop Wasting Money in 2026: Jax Reyes shares smart spending tips

Article Inside Page


Showbiz News

Suzette Doctolero


Mas buo at mas malalim na bersyon ng 2016 'Encantadia' sana ang kahilingan noon ni Suzette Doctolero.

Nagbigay-linaw na ang headwriter ng Encantadia na si Suzette Doctolero tungkol sa nasabi niya na “chaka” ang 2016 na bersyon ng serye.

Sa isang mahabang Facebook post, sinabi ni Suzette na gusto niyang bigyan ng linaw ang kaniyang sinabi dahil alam niya kung gaano kamahal ng mga tao ang serye. Ito umano ang isang bagay na pinagpapasalamat niya.

Nilinaw ng batikang writer na wala siyang reklamo sa mga cast dahil mahuhusay ang mga ito. Ngunit inamin niya rin na kinakabahan siya nang isinusulat ang serye noong 2014 dahil karamihan sa cast ay mga baguhan pa lang sa industriya.

“Halos baguhan pa kasi noon ang karamihan sa kanila (at first time ko ngang makakatrabaho ang marami), mabigat ang iniwang marka ng 2005 cast, at higit sa lahat, ang lakas ng katapat na serye sa kabilang istasyon,” sabi ni Suzette.

“Bilang head writer, malinaw ang responsibilidad ko: gawin ang lahat para manalo ang show,” dagdag pa niya.

Inamin din niya na ginawa niyang mas mabilis o plot-oriented as requel o rewind at sequel ng serye at minadali ilahad ang “rewind” nito para mailabas na ang maaaksyong eksena at makasabay sa kabilang istasyon.

“May mga tinanggal at binawasan akong kwento (Halimbawa mga life lessons at pa-wisdom scenes ni Imaw, mas mahabang bonding moments ng mga batang Sang'gre, etc.) para hindi bumagal ang takbo, lalo't action series ang kalaban. Malayo ito sa hagod ng 2005 na mas lyrical at mapagnilay (na personal kong gusto sana),” sabi ni Suzette.

ALAMIN KUNG NASAAN NA BA NGAYON ANG 2016 CAST NG 'ENCANTADIA' SA GALLERY NA ITO:


Marami rin umanong binago sa requel na wala sa orihinal na 2005 na bersyon, katulad na lang ng love story nina Amihan (Kylie Padilla) at Ybrahim (Ruru Madrid), ang paglabas ni Amihan dahil sa hindi inaasahang pangyayari, at maging ang pag-exit ng pangunahing kontrabida na si Avria (Eula Valdez).

“Kung pwede lang mahimatay noon, nangyari na sana, buti na lang at matibay-tibay ang aming mga espiritu. The show must go on lagi kasi,” saad ni Suzette.

Marami rin silang inayos na butas ng kapwa niya writer na si Jason Lim sa kuwento imbis na mas buo at mas malalim sanang bersyon ng 2016 na serye.

“Sinong hindi manghihinayang at mabibigo? Pero walang may kasalanan,” paglilinaw ni ng head writer.

Sa huli ay humingi si Suzette ng pang-unawa dahil sa paglabas niya ng kaniyang hinaing dahil hindi nila naibigay ang buong potensyal ng naturang serye, lalo na at alam niyang kaya niya itong ibigay sa mga manonood.

“Chaka nga ba ang Enca 2016? Alam ninyong hindi. Alam kong hindi. Para lang akong ina, na kapag ang aking anak (Enca) ay nilalait ng iba....pero ilalaban ko ng patayan. Pero kapag kami na lang, malalait ko, hindi bilang atake, kung 'di dahil kilalang-kilala at mahal na mahal ko rin lalo't, itanggi ninyo man o hindi, ang Enca at ako ay iisa,” sabi ni Suzette.

Aminado rin si Suzette na mas matindi na ang hamon ngayong 2025 at 2026, ngunit hindi na para sa ratings, kundi para sa survival ng telebisyon mismo. Aniya, alam niyang marami nang negatibo pagdating sa telebisyon kaya patuloy silang nakikinig at nagsisikap na maibigay ang kwentong magpapalawak pa ng Encantadia.

Ipinaliwanag din niyang Encantadia Chronicles ang titulo ng serye ngayon dahil magiging kalipunan sana ito ng iba't ibang kwento ng mga karakter ng unang season kasabay ng pagpapakilala sa bagong henerasyon.

“Hindi nangangahulugan ito na kinalimutan na ang original cast lalo't kasama naman talaga sila sa original draft ng script kaya lang ay may mga delays sa schedule na hindi naiwasan...kaya hinintay pa namin na maging libre ang lahat at makapag-concentrate sa atin. At iyan ang inyong aabangan!” pagtatapos ni Suzette.