
Bago ang finale week ng Encantadia Chronicles: Sang'gre, ipinarating ng concept creator na si Suzette Doctolero ang kanyang papuri sa passion ng bawat aktor na nagbigay-buhay sa hit fantaserye.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com sa finale media conference ng Encantadia Chronicles: Sang'gre, sinabi ni Suzette ang papuri niya sa new gen Sang'gres na sina Faith Da Silva, Angel Guardian, Kelvin Miranda, at Bianca Umali.
"Passionate silang lahat. Pinagpaguran talaga nila. Syempre maraming revelations," sabi ni Suzette.
"Gusto ko 'yung vulnerability ng acting ni Deia, ni Angel Guardian. Gusto ko 'yung pagiging passionate ni Bianca Umali. Gusto ko 'yung pagiging astig ng dating ni Faith. Mukha talaga siyang... ganda n'ya, mukha s'yang amazona. Tapos ang tangkad n'ya. Bagay s'yang warrior na babae.
"And then, si Adamus, kahit na lalaki s'ya, may binigay s'yang gentleness doon sa role. May gentleness na katulad ng water," dagdag niya.
Pinuri rin ni Suzette sina Rhian Ramos, Tom Rodriguez, Ysabel Ortega, Jon Lucas, at Luis Hontiveros.
"Syempre, I love Rhian Ramos as Mitena. Revelation sa akin si Tom bilang kontrabida. Halatang in-enjoy n'ya talaga 'yung role n'ya as Gargan. Magagaling silang lahat para sa akin.
"Kinilig ako kay Armea (Ysabel), Daron (Jon), at Soldarius (Luis), naibigay nila ang mga hiningi namin."
Huwag palampasin ang finale week ng Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Samantala, tingnan ang mga naganap sa finale media conference ng Encantadia Chronicles: Sang'gre sa gallery na ito: