What's on TV

Suzette Doctolero talks about writing 'Voltes V: Legacy'

By Jansen Ramos
Published March 24, 2023 8:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DOH's Herbosa: Letting kids buy, use firecrackers like child abuse
Stray bullet hits house in Lapu-Lapu City
More than a dress: How Aika Robredo's wedding gown honored her late father

Article Inside Page


Showbiz News

paolo contis and suzette doctolero in just in


GMA screenwriter Suzette Doctolero sa pagiging head writer niya ng 'Voltes V: Legacy': “Ang totoo madali siya kasi andun na kaya lang..."

Isa sa mga pinag-usapan nina Paolo Contis at Suzette Doctolero sa online show na Just In ang pagiging head writer ng batikang TV screenwriter ng inaabangan at binansagang "most expensive show" ng GMA na Voltes V: Legacy.

"Ang totoo madali siya kasi andun na," sagot ni Suzette nang tanungin kung gaano kahirap isulat ang live-action adaptation series ng popular na Japanese anime na Voltes V.

Gayunpaman, inamin niyang kinailangan niyang mag-adjust dahil mas malawak ngayon ang target audience ng upcoming series kumpara dati.

Patuloy niya, "Kaya lang, ang challenge ng Voltes V, ginawa s'yang pambata e. Cartoons sa panahon natin kaya paano s'ya i-a-adapat na ang audience, hindi lang bata. May matanda, may ganito, may ganyan kasi sa cartoons din, hindi masyadong nag-dwell do'n sa drama, doon sa emotional e kasi, siyempre, puro fight scenes 'yan.

"Pero 'pag in-adapt na into soap, kailangan ang hugot ng emotional, nandodoon na rin at meron naman talaga at saka 'yun lang 'yung pag-a-adjust doon."

Ilan sa adjustment na kinonsidera ni Suzette ang paglalagay ng love story twist sa Voltes V: Legacy.

Bilang live adaptation, minabuti niya at ng buong creative team na gawing "humanized" ang characters sa upcoming series.

Paliwanag niya sa kanyang Facebook post noong January 2, "At bilang ang REYALIDAD ay mga kabataang guwapo at magaganda sina Steve, Big Bert, Mark at Jamee kaya yes, may love story. Na hindi malaking part sa kuwento pero mayroon. Imposibleng wala!"

Bagamat may mga kaunting pagbabago sa kuwento, sinugurado naman daw nilang aprubado ito ng original maker ng Voltes V, ang Toei.

Samantala, naka-focus ngayon si Suzette sa Sang'gre na spin-off ng sikat na telefantasyang Encantadia na binuo niya. Mayroon din siyang isa pang malaking proyekto na nakatakdang gawin sa GMA.

Ang Voltes V: Legacy ay mula sa produksyon ng GMA Entertainment Group, sa ilalim ng direksyon ni Mark Reyes.

Lahat ng mga materyal na gagamitin para sa programa ay inaprubahan ng Toei at ng licensing agent nito sa Pilipinas na Telesuccess Productions, Inc.

Bago ito ipalabas sa telebisyon via GMA Telebabad ngayong taon, magpe-premiere muna ang Voltes V: Legacy sa mga sinehan.

NARITO ANG MGA ARTISTANG MAPAPANOOD SA VOLTES V: LEGACY: