GMA Logo Suzi Abrera
Celebrity Life

Suzi Abrera, ibinahagi kung bakit proud siya sa pagpapa-Botox

By Maine Aquino
Published September 27, 2022 5:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PNP to deploy over 70,000 cops for Simbang Gabi 2025
Kim Won-shik brings star power to Jolly Clean Holiday Pop-Up
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

Suzi Abrera


Pag-amin ni Suzi Abrera sa pagpapa-Botox: "I used to be so dyahe."

Inamin ni Suzi Abrera ang dahilan ng kaniyang pagpapa-Botox.

Ikinuwento ito ni Suzi sa vlog ni Camille Prats na kaniyang kaibigan at dating co-host sa Mars Pa More. Ayon sa Unang Hirit host, dati ay hindi siya pabor sa pagpapa-Botox.

PHOTO SOURCE: mars_suzi

Ang Botox ay kilala bilang isang anti-aging cosmetic treatment.

"I remember I was talking to a friend of mine who is a dermatologist, sabi ko, no way ako magbo-Botox." Saad ni Suzi.

Ayon pa kay Suzi, "Una, no way ako magbo-Botox, period. Tapos, no way ako magbo-Botox before 40."

Dahil sa napansin niya na at ng kaniyang ina ang lines sa kaniyang noo, at sa tulong na rin ng payo ng kaniyang kaibigan na isang dermatologist, sinubukan niya na magpa-Botox.

"Makunot 'yung noo ko, iritang irita 'yung nanay ko kapag nanonood ng MARS. Anak 'yung mga lines mo nakalabas kasi nakakunot 'yung noo, kasi expressive talaga ako.

"And my dermatologist friend said bakit ka naghihintay na mag-40? Explanation niya, magdi-deepen na 'yung lines mo before then. So bago ka magkaroon ng whatever lines, unahan mo na siya."

Pag-amin ni Suzi, nagawa niyang magpa-Botox noong siya ay 40 years old. Si Suzy ay nag-celebrate ng kanyang 47th birthday nito lamang June.

"I got my first one before I was 40. Tuwang tuwa naman 'yung nanay ko noong nagpa-Botox na ako finally. And people couldnt tell if I was tired. They couldnt tell."

Sa isang Instagram post naman ngayong September, ibinahagi ni Suzi na nahihiya siya dati na ikuwento ang pagpapa-Botox niya. Ngayon, proud na siyang ikinukwento ito sa iba.

"I used to be so dyahe about admitting that I've had botox but now, no big deal na siya hehe!"

"It gives me the freshness that I need since I have a lot of lines on my forehead from squinting at the tv prompter and from pretty much anything I do (including just listening to someone tell stories. What can I do expressive talaga mukha ko? Smiling and laughing are my faves too so Ayan, more more lines."

A post shared by Suzi Entrata-Abrera (@mars_suzi)

Ayon pa kay Suzi, gusto niyang treatment ay may natural expressions pa rin na makikita sa kaniya.

"Sakto lang and will allow natural expressions pa din. Di na uso yung face na Hindi gumagalaw!"

SAMANTALA, KILALANIN ANG MGA CELEBRITY NA UMAMIN NA NAGPA-RETOKE.