
Isang beach getaway ang inihanda ng Unang Hirit host na si Suzi Entrata-Abrera upang maagang ipagdiwang ang 81st birthday ng kanyang ama.
Sa Instagram, masayang ibinahagi ni Suzi ang ilang mga larawan sa kanilang advance birthday celebration at weekend beach trip.
Matagal na raw gustong makapagdagat ng kanyang ama na magdiriwang ng kaarawan sa Setyembre kung kaya't ito ang naisip niyang gawin at maagang regalo para sa ama.
Kuwento niya, "Beach weekend!!! Oh finally! My dad is 81 this year and he's always told me how much he would love to go to the beach again. Finally I found a beautiful destination for my family, my brother's family and my dad."
Makikita sa mga larawan na ipinost ng morning show host na talagang nag-enjoy ang kanilang pamilya sa pagbisita sa beach. Masaya nga araw ang ama ni Suzi sa ginawa nilang saglit na bakasyon.
Aniya, "My dad is soooooo happy! And so are we."
Mapapanood si Suzi araw-araw sa Unang Hirit, 5:30 ng umaga sa GMA.
Samantala, silipin naman sa gallery na ito ang ilang celebrities na maagang sinalubong ang summer ngayong Pebrero: