GMA Logo Suzi Entrata
Celebrity Life

Suzi Entrata, grateful kay Mel Tiangco noong siya'y buntis

By Kristine Kang
Published August 30, 2024 2:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcelito Pomoy nang makamayan si Donald Trump sa isang event: 'Once in a lifetime lang po 'yon'
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

Suzi Entrata


Mel Tiangco kay Suzi Entrata: ''You are so blessed to be able to bear children and so easily... So don't say sorry.”

Isa sa mga matatagal nang host sa GMA Network ang energetic at masiyahing celebrity na si Suzi Entrata. Madalas siyang napapanood sa longest-running morning show na Unang Hirit at nakilala bilang Mars ng bayan sa Mars Pa More. Hindi maitatanggi ang dedikasyon ni Suzi na magbigay ng saya sa telebisyon, kahit noong siya'y buntis pa, tuloy ang kanyang serbisyo bilang host o reporter.

Sa pagbisita ni Suzi sa podcast na Surprise Guest with Pia Arcangel, binalikan niya ang kanyang memorable moments noong siya'y buntis. Isa sa mga pagsubok na naranasan niya sa trabaho noon ay ang pagiging antukin dahil sa mga pagbabago sa kanyang katawan. May isang beses pang muntikan na siyang makatulog live sa Unang Hirit dahil dito.

Kuwento niya, "There was a time that all of us are there at the opening and all of us have a line to say. Eh, marami kunwari pito tayo o walo. 'Di ba take turns, umpisa kay Arnold [Clavio] susunod si ganiyan, Ate Susan [Enriquez], whatever."

"While I was waiting for my turn one time, as in papikit na talaga ako sa opening. [Sa] set live tv and nasa isip ko 'di naman nakatutok sa akin 'yung camera kasi solo-solo shot, eh," dagdag niya.

Nagising na lang siya noong biglang pumitik ang kanilang floor director, parehong nagulat na muntikan na siyang makatulog sa set.

Isa rin sa pinoproblema noon ni Suzi ang pagmaga at pagbilog ng kanyang katawan. Natatandaan pa raw niya ang kanyang itsura kaya minsan noon nahihiya siya para sa kanyiang sarili.

Ngunit nabawasan ang kaniyang insecurities noon dahil sa komento ng beteranong newscaster na si Mel Tiangco.

"So si Tita Mel gusto niya siyempre postura ka 'di ba? Eh 'di syempre laging magang-maga itsura ko and hindi pa uso masyado 'yung working-out moms noon so pataba lang ako nang pataba," pahayag niya.

Kuwento rin niya, "I saw her, eh 'yung itsura ko super oh my gosh magang-maga and she said, 'Oh! You're pregnant again?' Tapos sabi ko, 'I'm sorry Tita Mel' kasi sobrang losyang 'yung itsura ko and such. Tapos sabi niya, 'No.' A lot of people experience this 'di ba? Ano parang, 'You are so blessed to be able to bear children and so easily... So don't say sorry,' sabi niya and appreciate ko raw."

Masaya ngayon si Suzi kasama ang kanyang asawa na si Paolo Abrera at ang kanilang malalaking anak na sina Leona, Jade, at Antonella. Patuloy siyang nagbibigay ng good vibes tuwing umaga kasama ang kanyang Unang Hirit barkada.

Balikan ang quarantined life nila ni Suzi Entrata at ang kaniyang pamilya sa gallery na ito:


Pakinggan ang buong interview rito: