
Inamn ni Suzi Entrata na nalungkot siya nang hindi siya nakasama ng mga dating co-hosts niyang sina Camille Prats at Iya Villania sa talk show na MARS. Gayunman, masaya naman siya para sa dalawa na naipagpatuloy nila ang kanilang show.
Matatandaang nag-umpisa ang MARS noong 2012 sa GMA News TV, bago ito nalipat sa GMA Network noong 2019. Sa paglipat nito, pinalitan ni Iya si Suzi bilang partner ni Camille sa show.
“I would've wanted to join the two of them, or actually, kasi kami naman talaga ni Camille 'yung original MARS, e. It would've been so awesome kung naging kaming tatlo,” pag-alala ni Suzi sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, May 20.
Dagdag pa niya, parte na kasi siya noon ng Unang Hirit at pagkatapos nito naka-schedule ang MARS kaya hindi na niya magagawa ang talk show.
Biro pa ni Iya, “In other words, mao-overexposed ang ganda ni Suzi.”
Nasaktan man, sinigurado naman ni Suzi na i-message niya noon si Iya, “To let her know that although it wasn't for me to say na 'It's okay with me,' kasi hindi naman ako 'yung nagdesisyon na ito 'yung gagawin natin, pero I just wanted her to feel comfortable that if it were anybody, it would be wonderful na it was her.”
Para naman kay Iya, gusto niya sanang makasama sa show ay si Suzi, lalo na at magkaibigan na sila. Pag-amin pa ng “Chika Minute” anchor, hindi pa naman sila close noon ni Camille, kaya si Suzi sana ang gusto niyang makasama.
“I remember talking to the bosses, 'Sure ba kayo na hindi puwedeng kaming dalawa ni Suzi?' All the more tatlo! Pero 'yun nga, the reality is, hindi ko pa kilala si Cams. Kami 'yung friends,” sabi ni Iya.
Dagdag pa ni Camille, si Suzi na nga lang ang person in common sa kanila ni Iya, ito pa ang wala sa kanilang show.
Panoorin ang buong panayam sa video sa itaas.
BALIKAN ANG PAHAYAG NINA CAMILLE AT SUZI KUNG GAANO NILA NAMI-MISS ANG 'MARS' SA GALLERY NA ITO: