
Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Kapuso actress and host Solenn Heussaff ang isang maikling video kung saan tinuturuan niyang lumangoy ang kanyang pamangkin.
Talagang gaganahan kang mag-aral lumangoy kung ganito kaganda ang swimming instructor mo!
Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Kapuso actress and host Solenn Heussaff ang isang maikling video kung saan tinuturuan niyang lumangoy ang kanyang pamangkin.
Maraming pinagkakaabalahan ang French-Filipina beauty ngayon.
Kasalukuyan niyang pinaghahandaan ang kanyang kasal sa kanyang Argentine fiance na si Nico Bolzico. Nakatakdang ganapin ang kanilang pag-iisang dibdib sa France sa susunod na buwan.
Bukod dito, open pa rin ang art exhibit niyang "Solenn Art" sa Pineapple Lab hanggang May 8.
MORE ON SOLENN HEUSSAFF:
Solenn Heussaff opens Solenn Art
Solenn Heussaff and Nico Bolzico's wedding castle