GMA Logo Sylvia Sanchez
What's Hot

Sylvia Sanchez meets with nurse who helped her recover from COVID

By Cara Emmeline Garcia
Published November 27, 2020 12:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Chile wildfires kill 19 amid extreme heat; scores evacuated
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Sylvia Sanchez


“After 7 months, nayakap at nagkita din tayo,” ani Sylvia Sanchez sa nurse na tumulong sa kanyang gumaling mula sa COVID-19.

Malaki ang pasasalamat ni Sylvia Sanchez sa medical frontliners na tumulong sa kanya at sa kanyang asawa na gumaling sa sakit na COVID-19.

Kaya naman pitong buwan pagkatapos niyang gumaling ay inimbitahan ni Sylvia ang nurse na nag-alaga sa kaniya.

Ani Sylvia, bilib siya sa dedikasyong ipinakita nito sa kaniya at sa lahat ng COVID patients na tinulungan nitong gumaling.

Bitiw ng aktres sa Instagram, “After seven months, nayakap at nagkita din tayo, @diannerific! Ang saya saya ko.

“Kanina ko lang nakita ng husto ang mukha mo dahil mula March 30 TO April 16 ay naka-mask ka habang inaalagaan mo ako at asawa ko.

“Habang niyayakap kita kanina ang sarap sarap sa pakiramdam na mapasalamatan ka ng buong buo. Nakakabilib ang dedikasyon mo bilang Charge Nurse sa aming mga COVID patients.”

Kuwento pa ni Sylvia, maraming beses siyang pinagsasabihan ng nurse na 'wag sumuko sa sakit upang muling makasama ang kanyang pamilya.

“Maraming, maraming salamat, Dianne, sa pag alaga, pagmamahal at pagsasabi lagi na kaya mo yan Maam Sylvia, wag kang gigive up, laban po!” dagdag pa niya.

“Ilang beses kitang tinanong noon, mabubuhay pa ba ako, Dianne? Makakauwi pa ba ako? Sagot mo sa akin, opo, magkikita pa kayo ng mga anak mo, hinihintay ka nila kaya palakas at pagaling ka. Hahaha! Nakakaiyak maalala.

“Isa ka sa naging anghel ko habang nasa hospital bed ako at nakikipaglaban kay COVID-19.

Maraming maraming salamat sayo bagong kaibigan. Love you.”

A post shared by Jojo Atayde (@sylviasanchez_a)


Isa si Sylvia Sanchez sa mga artista na nagpositibo sa COVID-19 noong Marso. Nagpa-swab si Sylvia at ang kanyang asawa na si Art Atayde matapos makaramdam ng panlalamig at hirap sa paghinga.

Maliban kay Sylvia, ilang celebrities at personalities din ang tinamaan ng sakit. Kilalanin sila sa gallery na ito:

Silipin sa gallery na ito ang iba pang celebrity na nag-positibo sa COVID-19.