
Sa ika-pitong taon ng Tadhana, patuloy ang pagdiriwang para sa mga kwento ng inspirasyon at pagsisikap mula sa mga kapwa nating Pilipino.
Special episodes ang handog ng Tadhana sa mga manonood sa Oktubre 5, 12, at 19.
Sa kwentong Tadhana: Sino Si Alice, makikilala natin si Alice (Herlene Budol).
Dahil sa pagiging matiyaga ni Alice, agad siyang binigyan ng promotion sa kanyang trabaho. Pero ang good news sana sa buhay ni Alice, magiging dahilan para malagay sa panganib ang buhay niya.
May nais kasing pumatay kay Alice! Sino ang killer ni Alice? Matakasan kaya ni Alice ang kamatayan?
Abangan ang 7th anniversary special ng Tadhana: Sino Si Alice, ngayong October 5, 3:15 PM sa GMA-7 at sa GMA Public Affairs' Facebook and YouTube livestream.