GMA Logo Tadhana 7th Anniversary
What's on TV

'Tadhana' 7th anniversary special, mapapanood simula ngayong October 5

By Bianca Geli
Published October 4, 2024 3:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Palaro 2026 secondary boys' basketball now under way
LPA triggers flooding in parts of Mindanao
Frozen saging na may iba't ibang flavors, patok na negosyong ngayong tag-init! | Pera Paraan

Article Inside Page


Showbiz News

Tadhana 7th Anniversary


Abangan ang 'Tadhana: Sino Si Alice,' ang 3-episode anniversary special tampok si Herlene Budol.

Sa ika-pitong taon ng Tadhana, patuloy ang pagdiriwang para sa mga kwento ng inspirasyon at pagsisikap mula sa mga kapwa nating Pilipino.

Special episodes ang handog ng Tadhana sa mga manonood sa Oktubre 5, 12, at 19.

Sa kwentong Tadhana: Sino Si Alice, makikilala natin si Alice (Herlene Budol).

Dahil sa pagiging matiyaga ni Alice, agad siyang binigyan ng promotion sa kanyang trabaho. Pero ang good news sana sa buhay ni Alice, magiging dahilan para malagay sa panganib ang buhay niya.

May nais kasing pumatay kay Alice! Sino ang killer ni Alice? Matakasan kaya ni Alice ang kamatayan?

Abangan ang 7th anniversary special ng Tadhana: Sino Si Alice, ngayong October 5, 3:15 PM sa GMA-7 at sa GMA Public Affairs' Facebook and YouTube livestream.