
Nawasak ang mga pangarap ni Raquel (Katrina Halili) nang agawin ni Nancy (Sheree Bautista) hindi lamang ang kanyang asawang si Javier (Arnold Reyes), kundi pati na rin ang kanyang anak. Sa isang iglap, naglaho ang buhay na matagal niyang pinangarap para sa kanilang pamilya. Mabawi pa kaya ni Raquel ang dapat ay sa kanya?
Sundan ang pagpapatuloy ng Tadhana: Akin ang Lahat ngayong Sabado, 3:15 p.m. sa GMA-7 at sa GMA Public Affairs' Facebook and YouTube livestream.